Praying for a testimony sa harap ng mga kapitbahay
This is the 9th installment of prayer, Nieto-style.
After praying for the leaders of the community, sunod ko namang pinapanalangin ang aking mga kapitbahay. Mahalaga sa Cristianong magkaroon ng maayos na testimonyo sa harap ng mga hindi mananampalataya.
Pinapanalangin kong makita ng mga kapitbahay ang liyab ng aming pananampalataya. Makita nawa nila ang kasiyahan naming mga Cristiano sa paglilingkod sa Diyos.
Hinihiling kong ingatan kami ng Ama sa aming paglakad upang hindi matisod ang mga kapitbahay sa amin. Isang bagay ang itakwil nila ang evangelio dahil hindi ito katanggap-tanggap sa kanilang paningin. Ibang bagay ang itakwil nila ito dahil natisod sila sa masamang testimonyo.
Wala akong problemang tawaging snob. Pinipili ko ang aking sirkulo. Pero huwag nawa nilang alimurain dahil sa pagiging magnanakaw, lasenggero o basagulero.
Hinihiling kong gamitin kami ng Ama bilang testimonyo sa kanila upang kung kami man ay muling mag-imbita ng house to house evangelism, hindi nila itatakwil ang mensahe ng dahil sa aming masamang halimbawa.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/


Comments
Post a Comment