Prayers para sa mga kapatid

 


Ituloy natin ang 4th installment ng prayers, Nieto-style

Matapos kong ipagdasal ang aking immediate family, sunod ko namang ipinagdarasal ang aking spiritual family, ang mga kapatid sa Panginoon

Sa mga kumukuwestiyon kung bakit inuuna ko ang aking pamilya kaysa sa simbahan, well they're the closest and dearest to me and I won't apologize. Secondly, they are not only family members, they are brother and sisters in Christ. I mean I personally evangelize and lead my own children to faith in Christ when they were elementary. I baptized them both. Every father should evangelize and baptize their own children. 

Yes sinabi ko iyan at titindigan ko iyan. 

I started with prayers for the brothers and sisters in Dahat, Amoguis, Palayan/Maysalay, May-Suwa and Agosais. We have brothers and sisters meeting in these places. I am sure there are many other Christians gathering elsewhere but it is other Christians responsibility to pray for them. Hinihiling kong ang mga kapatid ay magkaroon ng kasiyahang patuloy na mag-aral ng Salita ng Diyos at magpatuloy sa maturity ng pananampalataya. Hinihiling kong matugunan ang kanilang mga pangangailangan at magpatuloy sila sa paglilingkod sa Diyos. 

Then I pray for land and church building upang magkaroon kami ng permanenteng pasilidad na magagamit sa pag-aaral ng Salita ng Diyos. Nagnanais akong magkaroon ng maaliwalas at maayos na gusaling pagtitipunan at hindi na umasa sa mga house churches. Nagbabago ang dinamiko ng buhay. Kapag pumanaw ang may-ari ng bahay, walang garantiyang ipagpapatuloy ito ng mga naiwan. 

Sunod kong pinapanalangin ang aming pastor at kaniyang pamilya. Ang prayers ko ay magkaroon siya ng kasiyahan at karunungang pagpastulan ang Iglesia ng Diyos. Hindi ako lagi agree sa kaniyang doktrina (as you read sa last portion ng blog na ito, I reserved for myself the right to think doctrine), but I believe he has a good heart. Ang kailangan niya ay practical wisdom sa paggawa ng ministry. 

I also prayed na gamitin ng mga Cristiano ang iba't ibang kaloob upang maisagawa ang iba't ibang ministry upang maabot ang iba't ibang grupo ng mga tao. Numero uno sa aking panalangin ang children's ministry. In my opinion dapat itong tutukan dahil mataas ang mortality rate ng mga estudyante. Pagtungtong nila sa high school, marami ang hindi na dumadalo. I chalk this to lack of program to keep them in the church. Kuntento na ang simbahang maturuan sila, mabigyan ng tsitsirya, ngunit walang malalim na discipleship na nangyayari. Walang consistent curriculum. Ang mga teachers nagsisimba lang kapag nagtuturo pero absent kapag hindi nila time magturo. I don't think this ministry will prosper kung ganito ang mangyayari. 

Next I pray for the youth ministry. I grieve na kapag umapak sa college ang mga young people, most are not interested in church anymore. Nagsisimba na lang kapag may youth camps o youth activities pero nawawala kapag ordinary Sundays. 

In my opinion, kailangang magkaroon ng mga dedicated na ministers para sa children at youth. Hindi ito dapat iasa sa mga young people na nagbabago pa ang mga prioridad. 

Then I pray for the music ministry. Nakalulungkot na ang mga awit ay basta-basta lamang. Walang training at tono ang mga song leaders at musicians. Again we need a dedicated music minister at hindi hugot lang nang hugot sa kung sino ang available. 

I also prayed na sana magkaroon kami ng maraming preachers and teachers. I don't believe in monopoly of the pulpit. Yes there is a primary Bible teacher but there must be a way na yung mga kapatid ay madevelop as teachers. After all kapag may nangyari sa primary teacher, sino ang papalit? 

I also prayed for the prayer meetings, evangelism and house to house tracts distribution, feeding sa mga bata (patay na ang ministry na ito) atbp. In my book these are secondary to the first four ministries but still very important. 

Then I prayed by name (at least yung mga heads of households) ang mga kapatid. Ito ang pinakamahaba sa aking prayer lists. I prayed na ang mga kapatid ay matugunan sa kanilang mga pangangailangan at magsikap na marating ang maturidad ng pananampalataya. With special emphasis sa mga young people dahil sila ang pag-asa ng simbahan (to pirate and contextualize Rizal). 

I always consider it a privilege to be able to pray for the brothers and sisters. Although sometimes I wonder if they pray for me also. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama