Prayers for the sick and the windows
This is the 7th installment of prayers, Nieto-style. This time the prayers are directed for the sick and widows.
I named all the sick and widowed members of the local church by name. Maliit lang ang aming congregation, less than two hundred at full strength (na natitipon lang to our shame kapag may kainan) so I can easily name them one by one.
I have a permanent list of sick people. Sila yung mga matatanda na at marami nang iniindang sakit. From time to time, may nadaragdag at naaalis na maysakit.
Pinapanalangin ko ang bendisyon ng mapagpala at mapagpagaling na kamay ng Diyos sa mga kapatid. Hinihiling kong hipuin niya ang mga pisikal at mental na karamdaman ng mga kapatid, na hindi ito makahadlang upang sila ay mag-aral ng Salita ng Diyos. Alam kong may hindi nakasisimba dahil nahahadlangan sila ng kalusugan. Hinihiling kong huwag itong mangyari sa kanila. Hinihiling ko ring kung may nag-aalaga sa kanila, ang mga ito ay hindi mahadlangan sa kanilang pag-aaral. Hinihiling kong gamitin ng Diyos ang mga kapatid na ito sa Kaniyang layon, kahit sa kanilang karamdaman.
Hinihiling ko rin ang Kaniyang pag-iingat sa mga balo ng simbahan. Hinihiling kong magdala ang mga balong ito ng kaluwalhatian at hindi kahihiyan, 1 Tim 5:14-15, sa Kaniyang Pangalan. Hinihiling kong Siya ang maging asawang lalaki at magulang na lalaki sa pamilya ng mga balo. Siya ang magbigay ng proteksiyon at probisyon sa mga balong kapatid.
Marahil ang proteksiyon at probisyon ng Diyos ay idaraan Niya sa kamay ng Simbahan, o marahil direkta Niya itong ibibigay by enabling these widows to work and earn a decent living. In either case, mapagamit nawa ang Simbahan sa layon ng Diyos.
Sa sanlibutan ang mga maysakit at mga balo ay vulnerable sectors. Huwag nawa itong mangyari sa mga kapatid.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/


Comments
Post a Comment