Prayers for my family

 


This will be my third installment on prayers, Nieto-style

Gaya ng nasabi ko sa nakaraang blog, ang unang isang oras ng aking umaga ay maikling (napakaikli) prayer ng pasasalamat at mahabang pag-aaral at pagbabahagi sa FB ng Salita ng Diyos

Ang aking prayers ay madalas kong ginagawa bago ang unang subject na aking tinuturuan. I find this the best for my schedule. 

This works for me. This may not work for you. 

So anong laman ng aking prayers? 

I started with praying for my immediate family. They are the closest to me at sabi nga ng Nescafe, dahilang kung bakit ako bumabangon. So it makes sense na sila ang una kong pinanalangin. 

Hinihiling ko sa Amang balutin sila ng biyaya at pag-ibig. Itinataas ko sila sa Ama dahil alam kong on my own, I cannot keep them safe and well provided. I need the Father's grace and power for that. 

Hinihiling kong bigyan ng strength and endurance ng Ama ang aking misis upang magampanan ang kaniyang obligasyon sa akin bilang asawa, sa aking mga anak bilang nanay, sa kaniyang mga magulang bilang anak, sa kaniyang mga kapatid bilang nakakabunso at sa kaniyang relasyon sa simbahan bilang asawa ng isang Bible teacher. Bilang teacher, hindi maiwasang makaapak ako ng mga paa, at dinadalangin kong hindi ito makadagdag sa kaniyang stress. 

Hinihiling kong lalong maging matibay ang aming pagsasama at maging mabuti kaming halimbawa sa aming mga anak. Hinihiling ko ring huwag bumigay ang kaniyang kalusugan ng katawan, lalo pa at siya ang magdedeliver ng sinakong feeds, runner sa Amoguis, at nagdadala kay Tatay sa pagpapalit ng catheter

Pinapalangin ko rin by name ang aking mga anak, si Naomi Viviane at Manasseh Ephraim. Hinihiling kong bigyan sila ng wisdom at moral fortitude upang malakaran ang moral jungle na kanilang lalakaran. Hinihiling kong manatili silang tapat sa Panginoon. Hinihiling kong ibigay ng Diyos ang kanilang mga nais sa buhay as long as ito ay ayon sa Kaniyang kalooban at hindi maglalayo sa kanila sa Diyos. These past few weeks hinihiling ko ang Kaniyang kalooban sa college choice ni Manasseh Ephraim. 

Dahil sa ang nobyo ni Naomi Viviane ay hindi namin church mate, pinapanalangin ko ring manampalataya siya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan. Kung magkatuluyan sila, ayaw kong magkaroon ng unbeliever sa aming pamilya. Gusto kong solido kaming mananampalataya kay Cristo at nagkakaisa sa paglilingkod. 

Pinapanalangin kong sunod ang aking mga biyenan. Hinihiling kong ingatan sila ng Ama, pahabain ang kanilang mga buhay upang manatili silang modelo at tropeo ng biyayang aming pamamarisan, na manatili silang paper clip na nagpapag-isa ng simbahan at makasama namin sila sa fellowship. Hinihiling kong ingatan ng Ama ang kanilang kalusugan at pinansiyal, na lagi silang nasa mabuting kalagayan at huwag magkulang sa pang-araw-araw na pangangailangan. Humihiling akong lagi kaming pagpalain pinansiyal upang kami ay maging channel ng biyaya patungo sa kanila. 

Pinagdarasal ko rin ang aking mga aso, sina Dodoy at Biggel, ang aking mga halaman, ang aming mga pag-aari, ang aking gym at mga motor. Hindi ko sure kung ako lang ang may ganitong panalangin pero lagi kong hiling sa Ama na ang nga ito ay nasa maayos na kundisyon upang hindi magulo ang aking mental health. Ayaw kong ma-stress sa mga bagay na ito. 

Sunod kong prayers ang aking health and fitness. Hinihingi ko sa Amang hipuin Niya ako ng mapagpagaling Niyang mga kamay upang manatili akong malusog at magamit Niya sa mga bagay na gusto Niyang paggamitan sa akin. Kinikilala kong pinagkakatiwala Niya sa akin ang pag-iingat at pag-suporta sa aking pamilya at magagawa ko lang iyong kung maayos ang aking kalusugan. 

Pinapanalangin ko rin ang aming estadong pinansiyal. Hinihiling kong manatili kaming in the black upang masustentuhan ang pangangailangan, una ng aking pamilya, pangalawa ng aking mga biyenan, pangatlo ng simbahan, pang-apat ng mga kamag-anak, at sa huli ng mga taong ilalagay Niya sa aming buhay. Humihiling akong gawin Niya kaming channel at conduit, hindi dam, ng pagpapala. 

Sunod ay pinapanalangin ko by name (at least yung head of household) ang aking kamag-anak at kamag-anak ni Misis. Hinihiling kong ibigay ng Diyos ang katagumpayang pinansiyal, pisikal at propesyunal. Sa mga walang katiyakan ng buhay na walang hanggan, hinihiling kong padalhan sila ng Ama ng mga taong may pag-ibig sa kanilang magbabahagi ng mensahe ng buhay sa pamamagitan ng pananampalataya lamang. Hinihiling ko ring gamitin ng Panginoon ang aking Facebook upang makumbinse silang manampalataya kay Cristo para sa buhay na walang hanggan. Hindi man kami magkakasama sa buhay na ito, magkitakita nawa kami sa KALUWALHATIAN

Pinapanalangin ko rin ang lupain sa Amoguis. Hinihiling kong kung kalooban Niyang makabalik sa amin ito ay bigyan Niya kami ng perang pantubos. Kung may bago Siyang kalooban sa amin, handa akong tanggapin iyan. Pero pinapanalangin ko pa rin dahil iyan ang last na kundisyong aming kinalagyan. 

Ito ang first part ng aking prayers. Nakasulat ito sa Note ng aking phone. Ang iba pang parts ng aking prayers patungkol sa simbahan, sa mga balo at sa pamahalaan, ay sa mga susunod namang blogs. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama