Prayer for the leaders

 


The 8th instalment of prayers, Nieto-style is prayers for the leaders.

Matapos ipanalangin ang mga balo at maysakit, ipinapanalangin ko naman ang mga pinuno ng bayan. Ito ay bilang pagsunod sa 

1 Timothy 2:1-4 [1]First of all, then, I urge that entreaties and prayers, petitions and thanksgivings, be made on behalf of all men, [2]for kings and all who are in authority, so that we may lead a tranquil and quiet life in all godliness and dignity. [3]This is good and acceptable in the sight of God our Savior,[4]who desires all men to be saved and to come to the knowledge of the truth.

Hinihimok ni Pablong ipanalangin ang lahat ng mga pinuno. Hindi sinabi ni Pablong ipanalangin lamang ang mga mababait o ipanalangin lamang ang mga binoto ngunit ipanalangin ang lahat ng nasa kapangyarihan, mabuti man o marahas. After all, tayong mga Cristiano ay magkakaroon ng katahimikan kung tahimik ang ating bayan. 

Ipinapanalangin kong una ay magkasundo sila at huwag nang mag-away-away dahil hindi ito ikabubuti ng mga mamamayan. Hinihiling kong gumawa sila ng mga polisiya at programang magdadala ng prosperidad at trankilidad upang ang mga Cristiano ay makapaglilingkod nang walang takot at walang alalahanin. 

Ipinapanalangin ko mula sa Pangulo at ehekutibo, ang mga senador at kongresista (for some reasons I usually forget to pray for the judges of the land), sa gobernador, kaniyang bise, mayor (ng Goa, Tigaon at Lagonoy dahil ito ang tatlong bayang iniikutan ng mga mananampalataya ng PCBC), kapitan at mga kagawad. Magtulong-tulong nawa silang magdala ng maayos na serbisyo, at higit sa lahat protektahan ang karapatang magtipon at mag-aral ng Simbahan ng Diyos. 

Dahil ako ay isang guro, may espesyal akong panalangin para sa Kalihim ng Edukasyon, mga SDS, PSDS, prinsipal, HTs at kapwa ko guro. Hinihiling kong magtulong-tulong kami sa pagturo sa mga bata. Hinihiling kong gumawa ang aming mga lider sa edukasyon ng polisiya at programang magdadala ng dagdag sahod, bawas trabaho (for those who don't know teachers are overworked; kami ang social worker, election officers, health leaders, school police, etc sa komunidad), at a sense of purpose (because let's face it ang mga guro ay laging biktima ng eksperimentasyon ng mga nasa taas; pinapasok na rin ng wokeism ang noblest of all professions). Hinihiling kong pagpalain ng Panginoon ang aking pagtuturo at magbigay ng mga oportunidad na ma-promote. 

Ang susi ng maayos at tahimik na komunidad ay nasa marunong na pamahalaan at masunuring bayan. Balutin natin ng panalangin ang ating bayan. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama