Prayer for acquaintances
This is the 10th installment of prayers, Nieto-style.
After praying for the neighbors, I next pray for the people na madalas kong makahalubilo.
I prayed for my coworkers. Hinihiling kong makita nila sa akin ang kasiyahan ng isang Cristianong manggagawa. Makita nilang gumagawa para sa kaluwalhatian ng Diyos and not eye-service.
I also pray para sa aking mga kalungga o officemates. Sila ang lagi kong kasama kaya I pray na mag-iwan ako sa kanila ng magandang halimbawa.
Then I pray for my students by section. I prayed na makita nila sa akin ang magandang halimbawa bilang second parent. Wala akong pakialam kung gusto nila ako o hindi pero huwag nawang mangyari na isipin nilang tamad akong magturo.
Mukhang marami dahil I divided them into ten installments. But in actuality, aabutin lamang ito ng 10-15 minutes.
You don't have to pray very long para tanggapin ng Diyos ang iyong prayers. You just need to pray according to the will of God.
Hindi ito pahabaan ng panalangin. It is praying a prayer na ayon sa Kaniyang kalooban.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/


Comments
Post a Comment