Peaceful heart even in raging storm
Madalaling mag-claim na "God is good" when everything is going right in your life. Ang tunay na sukatan ay kung masasabi mo ito when you're in the middle of a storm.
I am afraid napaka-soft ng mga Christians natin. Masaya tayong maglingkod kapag malusog ang katawan, may perang dumarating at matagumpaybang buhay. Ngunit sa sandaling dumating ang problema, ang ating reaksiyong ay indistinguishable sa mga hindi mananampalataya.
Ilang Cristianong tumigil maglingkod dahil sinisisi ang Diyos sa pagkakaroon ng sakit? Ilan ang hindi na nagsisimba nang magkaroon ng problemang ekonomikal? Ilan ang tumalikod sa pananampalataya dahil sa pag-uusig?
Ang mga kamay na masiglang kumakaway sa pagpuri ay nauunang kumaway mamaalam when things don't go their way. Ang mga labing nauunang mag- "I love you Lord" ay unang tumatakwil sa Kaniya kapag dumating ang mga pagsubok ng buhay.
Sa halip na gamitin ang mga pagsubok ng buhay bilang oportunidad upang gamitin ang doktrina, kumakapit tayo sa patalim. Thus sa ating pamumuhay, pinakikita nating human thoughts are higher than divine thinking.
Paano lalago ang ating pananampalataya kung hindi tayo ready sa pressure testing? Paano makikita ang kadalisayan ng ating pananampalataya kung bumibigay tayo sa mga pagsubok?
We need to lift the shield of faith if we are to conquer in the spiritual life. We cannot afford to be casualties in the spiritual conflict.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/


Comments
Post a Comment