Malayo na pero malayo pa pero siguradong lalayo pa

 




I still remember nang nagsimula kaming mag-asawa. Isang talong ay hinahati namin sa dalawa. Isa ay para gawing ensalada na pananghalian; ang kalahati ay hombura (eggplant and onion soup) para sa hapunan.

Those were difficult days. Those were the days na ang tanging nasa isip lang namin ay magsurvive.

I am thankful for those days.

They made me appreciate whatever little we have now.

Malayo na rin ang aming pinagdaanan since those days. Malayo pa sa aming goal na financial independence. But by God’s grace, alam kong malayo pa ang maaabot.

Kahit paano nakakabili na kami ng higit sa isang talong. Nakapag-aaral ang mga bata. Nakababayad ng mga bills. Nakapag-iimpok sa bangko kahit kaunti. Nakapag-aabuloy sa simbahan at nakatutulong sa ibang kapamilya. Nakakain sa labas paminsan-minsan.

Wala pa ring ekstra para sa travels. Walang pambili ng lahat nang gusto. But I believe darating din tayo diyan. Just trust that God will provide.

The little that we have? Ang mga ito ay minsang parte ng aking prayer list. Now they are answered. Nalilibot ako ng mga tugon sa aking panalangin.

Ang mga ito ay pauna. Sila ay garanyiyang ang iba ko pang hiling will similarly be answered.

In His time. In His perfect timing. He will make it happen when the timing is right.

Magtaasan man ang mga prices, God will still provide. I believe it. I know it. He provided before. He provides today. He will provide tomorrow.

God has always been good to our family. And I thanked Him for that.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama’t miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free:

The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/

The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/



Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama