Malapit na ang katapusan

 


May isang lalaking nagmamaneho ng sasakyan. Nadaanan niya ang dalawang lalaking may dalang karatula, "Malapit na ang katapusan." Nagsisigaw sila at pinipilit na parahin ang lalaki. Hindi sila pinansin ng lalaki at dirediretso siyang nagmaneho hanggang mahulog sa bangin. Nagsalita ang isa sa mga may karatula, "Sa tingin mo dapat sinulat natin ay 'Putol ang tulay?'"

This is a joke of course. But it is a spiritual reality for many people spiritually.

Sa isang banda may mga taong ini-ignore ang pagmamalasakit ng mga Cristianong ang tanginv hangad ay makaligtas sila mula sa kapahamakan ng impiyerno. Kahit ilang beses silang balikan at katukin ng mga Cristianong nagbabahagi ng evangelio, tinatakwil niya ang mga ito. Para sa sa kaniya hindi sapat ang manampalataya kay Jesus para magkaroon ng buhay na walang hanggan. Mas nais niyang magtiwala sa kaniyang magagawa, sa kaniyang relihiyon kaysa sa Kaniyang namatay sa krus sa pagbayad ng kaniyang mga kasalanan. 

Ang nag-iisang kundisyon upang ang tao ay magkaroon ng buhay na walang hanggan ay ang manampalataya kay Jesus. Malinaw iyan sa Juan 3:16. Malinaw iyan sa Gawa 16:31. Malinaw iyan sa daan-daang sitas ng Biblia. 

On the other hand maraming nagmamalasakit na Cristianong malabo pa sa burak ang mensahe ng kaligtasan. Sa halip na malinaw na iturong tanging pananampalataya lamang kay Cristo lamang ang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan, dinaragdagan nila ito ng gawa, ng bautismo o ng pagbabagong-buhay. Ang mga dagdag na ito ay maganda at tama sa wastong konteksto. Pero wala kahit sa mga ito ang kundisyon para magkaroon ng buhay na walang hanggan. 

Gaya ng dalawang lalaki sa kwento sa itaas, malabo ang kanilang mensahe. Anduon ang pagmamalasakit, anduon ang kasigasigang magbahagi. Ngunit maaari nilang linawin ang mensahe upang mas maunawaan ng dumaraan. Ganuon din ang maraming evangeliko ngayon. Nagtuturo ng malabong mensahe. 

Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay ang manampalataya kay Cristo. Hindi manampalataya at magpabautismo. Hindi manampalataya at umanib sa relihiyon. Hindi manampalataya at magbagong-buhay. Ang nag-iisang kundisyon ay manampalataya kay Cristo lamang. 

Kung nababasa mo ang blog na ito at wala ka pang katiyakan ng buhay na walang hanggan, gamitin mo ang pagkakataong ito upang manampalataya. Ang pangako ay ang sinumang manampalataya ay mayroong buhay na walang hanggan. Hindi sinabing magkakaroon bukas o sa makalawa. Ngayon mismo at iyan ay hindi maiwawala. 

Manampalataya ka ngayon at makasiguro ng buhay na walang hanggan ngayon mismo. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free:

The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/

The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama