Lot: A warning to worldly believers
2 Peter 2:7 [7]and if He rescued righteous Lot, oppressed by the sensual conduct of unprincipled men...
I will be honest: kung ang pagbabasehan ko lang ay ang kwento ni Lot sa Genesis 11-19, hindi ko iisiping si Lot ay matuwid. Ngunit dahil sa ang Kasulatan ay hindi nagkakamali dahil sa ito ay kinasihan ng Espiritu Santo, wala akong magagawa kung hindi tanggaping matuwid si Lot.
Nagsimula ang kwento ni Lot sa Genesis 11 nang isama ni Abram (later Abraham) sa kaniyang paglisan sa Ur ng Caldea. One can say that this is partial disobedience sa parte ni Abram, something na hindi inutos ng Diyos dahil hindi naman si Lot bahagi ng sambahayan niya. Maybe kung hindi niya dinala si Lot, baka naiwasan niya ang maraming heart breaks nang paghahati ng lupain, ang nesesidad na saklolohan siya nang maging bihag ng digmaan at marahil hindi siya madaramay sa kalagayan ng Sodoma at Gomora. Marahil nahipo ng compassion si Abram. Ayaw niyang maiwan si Lot na nag-iisang manampalataya sa Ur. Whatever the case, we're introduced to him at Genesis 11.
It is a safe bet that Lot became a believer under the influence of Abram. Nang tuluyan siyang lumayo kay Abram, nalayo rin siya sa Panginoon.
Sa Genesis 12 nang magsinungaling si Abram sa Faraon hindi natin nakitang tumutol si Lot. Maybe sang-ayon siya sa plano ni Abram. Or maybe magpapakita ito ng strain of pragmatism sa kaniyang persona. If it works, it must be good.
Sa Genesis 13 makikita natin ang kaniyang worldly priority. Nang magdesisyon silang maghiwalay ni Abram dahil sa laki ng kanilang properties, ang tanging nakita niya sa Sodoma ay isa itong produktibong lupa, gaya ng hardin ng Panginoon. Hindi niya nakita ang kasamaan nito, Gen 13:10-13. This is Lot's problem. Umaasa siya sa kaniyang nakikita.
Sa kabanata 14 nasumpungan natin si Lot na nadamay sa digmaan sa Sodoma. Inaasahan nating natuto na siya ng leksiyon matapos siyang saklolohan ni Abram. Ngunit sa Genesis 19, nasumpungan natin siya muli sa lunsod ng Sodoma. Nagsimula siyang nasa mga tolda ng mga kalambakan, sa Genesis 19 siya ay may sarili ng bahay, at higit sa lahat ay maimpluwensiya, nakaupo sa pintuang bayan at inaakusahang "hukom" kahit dayo. Apparently, gaano man siya nababahala sa kasamaan ng Sodoma, hindi ito sapat upang hindi siya maging bahagi ng komunidad nito.
Makikita natin kung gaano kahina ang kaniyang testimonyo. Kahit nang sawayin niya ang mga makalamang homosexual na kapitbahay, v19. Makikita natin ang kaniyang twisted morality: handa siyang iligtas ang kaniyang mga bisita kahit katumbas ito ng gang rape ng kaniyang dalawang birheng anak na babae. Kahit ang kaniyang mga manugang na lalaki ay inaakalang siya ay nagbibiro. At ang kaniyang asawa ay forever immortalized as a symbol of worldliness, as a literal monument of salt.
We can see that he is a failure as a father. Ni hindi niya naimpluwensiyahan ang sarili niyang pamilya.
Even after they left Sodom, Sodom didn't left him. Habang nagtatago siya sa mga yungib sa mga kabundukan, v30, nakagawa ng paraan ang kaniyang mga anak na babaeng magkaroon ng alak na sapat upang lasingin siya, not once but twice. Hindi basta nakainom lang, kundi sapat upang hindi niya mamalayang ang kaniyang katalik ay ang sarili niyang mga anak. Apparently sa dami ng pwede niyang baunin mula sa Sodoma (and later sa Zoar), ang nga nakalalasing na inumin ay high in the list. Walang indikasyong nahirapang maghanap ang kaniyang mga dalaga.
We can say na nililimot niya lang ang kaniyang kasawian. In one day nawala ang kaniyang mga ari-arian at ang kaniyang asawang babae ay isang haliging asin. Pero saan pinulot ng kaniyang mga anak ang ideya ng incest? First, ipapa-gang rape niya ang kaniyang mga anak, ngayon siya naman ang rereypin ng kaniyang mga anak. Apparently, naimpluwensiyahan ng mga wicked and unprincipled men of Sodom kahit ang mga anak ng matuwid na si Lot.
Ano ang resulta ng incestuous relationship na ito? Sila ang naging tinik ng bayan ng Diyos, ang Israel. I always talk of legacy of faith and values. Lot's legacy is to become thorns in Israel's side. I am not sure that is a legacy worth discussing during reunion.
And the story abruptly ends. We didn't hear about them. I wish nagbago si Lot but the abrupt end implies na hindi. Natapos ang kwento sa incest. The worldliness of Sodom destroyed this righteous man. Wala siyang redemption arc.
If we think this can happen to Lot but not us, think again. James warned in the fourth chapter of his epistle about spiritual adulterers and adulteresses. They may not be guilty of actually sleeping around, but they are guilty of friendship of the world. Like Lot, they exchange the love of God for the friendship of the world. And like Lot, judgement is coming. After all judgment must start from the household of God.
Kaiingat kayo. Unless we stay at the foot of the Cross, we can make the same mistake.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/


Comments
Post a Comment