He was born to die
Kung tatanungin ka kung ano ang pangarap mo sa iyong anak, marahil sasabihin monh doktor, abogado o inhenyero. I sincerely doubt may magsasabing, "Gusto kong mamatay ang aking anak."
Jesus was sent by the Father for a reason: because of God's love towards mankind, He sent Jesus to die at the Cross. Sa Krus binayaran ni Jesus ang kasalanan natin. Siya ang pampalubag-loob sa kasalanan ng buong sanlibutan.
Pwede sanang i-withhold ng Ama si Cristo. Pwede Niyang sabihing, "Bahala na ang mga tao. Kung hindi nila maaabot ang Aking pamantayan, didiretso sila sa impiyerno."
But God loves the world and He demonstrated that love by sending His Son to die at the Cross. Alam Niyang hindi natin mababayaran ang utang ng kasalanan. So Jesus remove sin as a barrier between God and man. Walang taong pupunta sa impiyerno nang dahil sa kasalanan. Ang tanging magdadala sa tao sa impiyerno ay kung hindi siya manampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan.
Ang nag-iisang kundisyon upang ang tao ay magkaroon ng buhay na walang hanggan at umakyat sa langit ay ang manampalataya kay Jesus, Juan 3:16. Hindi ang pag-anib sa relihiyon, pagsunod sa mga rituals o pag-aabuloy ng pera. Nang tanungin si Pablo at Silas kung paano maligtas, ang diretso nilang sagot ay manampalataya sa Panginoong Jesucristo, Gawa 16:31.
Maraming dinaragdag ang tao sa nag-iisang kundisyon ng buhay na walang hanggan. Gusto nilang idagdag ang pag-anib sa relihiyon, paggawa ng mabuti at pagiging tapat hanggang kamatayan. Lahat ng ito ay maganda, ngunit wala sa mga ito ang nagliligtas. Sa lenggwahe ni Pablo, ang biyaya kapag dinagdagan ng gawa, ay hindi na biyaya, Roma 11:6. Pagdating sa kaligtasan ang biyaya at gawa ay hindi maaaring magsama, Roma 4:1-9.
Si Jesus ang tanging pinanganak sa lupang ang layon sa buhay ay mamatay. Hindi Siya namatay para sa Kaniyang kasalanan dahil wala Siyang kasalanan. Namatay Siya para sa ating mga kasalanan. Namatay Siya dahil sa pag-ibig, Ef 5:2. Namatay Siya dahil sa pag-ibig ng Ama, Roma 5:8. Huwag natin sayangin ang pag-ibig na iyan. Manampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/


Comments
Post a Comment