God will vindicate us in justice
By this time, naranasan na siguro nating lahat na maging biktima ng inhustisya, ang maging bahagi ng agenda ng ibang tao.
Ang ating natural response ay gumanti. Ang natural nating response ay ipagtanggol ang ating mga sarili at habulin at papanagutin ang gumawa ng mali.
Ang pamahalaan ay itinatag upang ipagtanggol ang matuwid at gantihan ang masama ngunit madalas ang pamahalaan ay inutil sa ganitong mga sitwasyon.
Dahil dito madalas na nilalagay natin sa ating mga kamay ang batas.
Stop! Binabaon lamang natin ang ating mga sarili sa mas malaking problema.
Kailangan nating magtiwalang hindi tayo pababayaan ng Diyos. Ang Diyos na hustisya ay sisiguruhing makakamit natin ito sa huli.
Ang pananahimik ng Diyos ay hindi inhustisya, ito ay awa, upang magkaroon ang lahat ng pagkakataong makabalik sa Kaniya.
Dumating si Jesus upang tubusin ang sanlibutan sa pamamagitan ng Kaniyang dugong nabubo sa krus. Ang sinumang sumampalataya sa Kaniya ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan.
Kung nagawa ng Diyos na solusyunan ang problema ng kasalanan, kaya Niya ring solusyunan ang problema ng personal na inhustisyang ating nararanasan.
Gaya ng solusyun sa kasalanan, ang solusyon sa inhustisya ay biyaya. Makakaasa tayong ang Diyos na maibigin ay hindi tayo pababayaan.
Ang ating trabaho ay ibahagi ang pag-ibig na iyan. Yes, kahit sa mga taong umaapi sa mga Cristiano.
Alam kong hindi ito madali. Kaya ibinigay ang Espiritu Santo upang bigyan tayo ng kakayahang gawin ito.
Darating Siyang muli upang magbigay ng hustisya sa lahat ng mga mananampalataya. Huwag nating hanapin ang bindikasyon sa sarili nating mga kamay.
Ipahayag natin ang Kaniyang pag-ibig. Ito ang mag-iingat sa ating hindi mapuno ng kapaitan ang puso. Mahirap umibig na napopoot.
Magtiwala tayong darating ang panahong itatama ng Diyos ang lahat ng bagay at tayo ay magkakaroon ng final vindication when the sons of God were announced.
Until that day let us hold our peace.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/


Comments
Post a Comment