Don't usurp the Spirit's job
Minsan gigil tayong magbahagi ng Salita ng Diyos. Talo pa natin ang nakikipag-away sa kalsada.
Don't get me wrong, natutuwa akong maibahagi ang mensahe ng buhay na walang hanggan. Ngunit sa harap pa ng agresibo at grace-less na sharing of the gospel, minsan napapaisip ako kung mas marami pang damage ang dala nito kaysa sa benefits.
May mga tao akong nakasalamuha na sa halip na lumambot ang puso sa evangelio ay lalo pang tumigas laban dito dahil sa grace-less na sharing. Yung isa kung nakasama, sinisigawan na ang kausap. Yung isa nakikidebate na. May nakita rin akong gusto nang idukdok ang Biblia sa mukha ng kausap. Ang sabi ng kausap, "Kapatid hindi naman kita inimbitahan sa bahay!"
Marahil dala lang ito ng excitement. Marahil dala ng immaturity kung saan iniisip nating ang may pinakamaraming nasabi ang panalo. O marahil iniisip nating nakasalalay sa ating galing ang kaligtasan ng ating kausap.
Let us be careful not to win the battle but lose the war!
Maaaring napatahimik mo ang iyong kausap pero kung dahil dito lalo niyang tinakwil ang evangelio, it is a loss.
Isang nakatutulong na paalala ay ang ating trabaho ay ibahagi ang mensahe ng buhay sa pinakamalinaw na paraang kaya natin. Ang isyu ay ang ibahagi sa kausap na kailangan niyang manampalataya kay Jesus upang magkaroon siya ng buhay na walang hanggan.
Hindi natin kailangang pasikatan ang ating kausap ng ating kaalaman ng Biblia. Bilang unbelievers na walang Espiritu ng Diyos, wala siyang kakayahang i-appreciate ang spiritual things. Ang kailangan niya muna ay maligtas upang panahanan siya ng Espiritung magbubukas ng kaniyang isipan sa Salita ng Diyos.
Hindi rin nating kailangang sagutin ang lahat na tanong ng ating kausap. Madalas ang kanilang tanong is hedging. They reject salvation by grace through faith apart from works at ang mga tanong ay upang i-deflect ang isyu. Huwag tayong magpa-sidetracked. Focus on the issue. It is always Christ and Him crucified. It is by faith alone. At kung sa tingin mo wala siyang balak makinig, ngunit ginagamit lamang ang pag-uusap upang i-display ang kaniyang kaalaman o upang pagtawanan ang evangelio, iwan mo na. Don't let him bait you to a debate. You won't win. Even if you shut him up, he still doesn't believe.
Gawin lamang nating simple ang isyu: manampalataya- may buhay na walang hanggan; hindi manampalataya - walang buhay na walang hanggan. Ang ibang doktrina ay kakailanganin niya upang lumago espirituwal. Ngunit kailangan niya munang magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Hindi natin trabahong iligtas ang tao. Trabaho iyan ng Espiritu Santo. Kung maalala natin ito, wala tayong pressure to perform. Just share the message of life and leave it to the person to evaluate kung totoo o hindi at manampalataya.
Hindi mo maidaraan sa pamimilit ang kaligtasan. Kailangang malayang manampalataya ang tao para sa buhay na walang hanggan.
Let us not usurp the role of the Holy Spirit. Share the gospel and leave it to the Spirit to convict.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/


Comments
Post a Comment