Choose grace

 


Naalala ko noong kolehiyo, yung ROTC instructor namin nagturo: kung gusto mong iligtas ang isang nalulunod, hayaan mo siyang malunod. 

That is counterintuitive. "Why?" ang tanong namin. 

Ang sagot niya ay simple: kapag ang tao ay nalulunod siya ay nagpapanik. Kabit lang siya ng kabit sa kung sino-sino at ito ang dahilan kung bakit maraming would be rescuers ang nalulunod. Instead hayaan mo siyang malunod, kapag siya ay hindi na kumikilos, saka mo iligtas, at i-revive. 

In saving drowning victims, they should cooperate by not interfering with the rescue process. Ideally, siya ay passive so the rescuer can do his rescue work. 

Hindi ako marunong lumangoy so malabong magamit ko ito in a flesh and blood water rescue. But I never forget the principle. 

Madalas ang nirerescue ang humahadlang sa rescue effort. 

Not intentionally. 

Madalas ang nirerescue ay may sariling idea kung paano maligtas. And he thinks this idea is better than the idea of people who are trained to actually rescue people. 

The same principle can be seen in eternal salvation

Man has his own ideas on how to be saved so he ignored God's idea of how a man can be saved. 

The only condition to receive eternal life is faith alone in Christ alone. He promised that whoever believes in Him shall not perish but have everlasting life.

Yet man always choose his way- work for salvation until the end of one's life, transform your life, sin less, etc. They wanted to clean the fish before they even caught it. 

The Bible is clear in John 3:16; Acts 16:31 and many other passages - eternal life is given to those who believe in Jesus for it. 

Hindi ito binibigay sa umanib sa partikular na relihiyon, sa nag-aabuloy o sa mapanalanginin. Lahat ng ito ay nakabubuti in their own ways - pero hindi sa pagtamo ng buhay na walang hanggan. In God's grace He made the condition as simple as believing in Jesus for eternal life. 

Why Jesus? Because He is the One who died at the Cross for our sins, was buried and rise again. He died to remove sin as a barrier between God and man. He rose to show that God accepted that removal of sin. The only thing left for man to do is to believe in Jesus for eternal life. 

If we insist on saving ourselves, we hinder the rescue effort. We'll drown in our mechanisms. 

Stop fighting the hands that are saving you. Throw yourself to God's grace. Believe in Jesus for eternal life. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free:

The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/

The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama