Asa: He trusted the doctors more than God


 

Ang kwento ni Haring Asa ay mababasa sa 2 Cronica 14-16.

Gaya nang iba sa seryeng ito, maganda ang kaniyang simula. Ang patotoo ng Biblia ay:

2 Chronicles 14:2-4 [2]Asa did good and right in the sight of the Lord his God, [3]for he removed the foreign altars and high places, tore down the sacred pillars, cut down the Asherim, [4]and commanded Judah to seek the Lord God of their fathers and to observe the law and the commandment.

Bukod sa personal na lumakad siyang kasama ni Yahweh, inutusan niya ang buong Judang sumunod sa kautusan at palatuntunin.

Ang resulta ay:

2 Chronicles 14:5-6 [5]He also removed the high places and the incense altars from all the cities of Judah. And the kingdom was undisturbed under him. [6]He built fortified cities in Judah, since the land was undisturbed, and there was no one at war with him during those years, because the Lord had given him rest.

Sa loob ng mahabang panahong, mayroong katahimikan ang lupain. 

Nang subukan ng mga Etiopeng sakupin sila, tinulungan sila ng Panginoong manalo kahit isang milyon ang mga Etiope. 

Ang kabanata 15 ay nagpapakita ng nagpapatuloy na repormang panrelihiyon ni Asa. 

Ngunit kung mayroon man tayong dapat maalala sa seryeng ito ng mga nagsimulang mabuti, ito ay mag-ingat dahil baka ang nag-aakalang nakatayo ay mabuwal. 

Sa kabanata 16 nakita natin kung paano si Asa nagsimulang mabuwal. 

2 Chronicles 16:7-9

[7]At that time Hanani the seer came to Asa king of Judah and said to him, "Because you have relied on the king of Aram and have not relied on the Lord your God, therefore the army of the king of Aram has escaped out of your hand. [8]Were not the Ethiopians and the Lubim an immense army with very many chariots and horsemen? Yet because you relied on the Lord, He delivered them into your hand. [9]For the eyes of the Lord move to and fro throughout the earth that He may strongly support those whose heart is completely His. You have acted foolishly in this. Indeed, from now on you will surely have wars."

Sa halip na umasa sa Panginoon laban kay Haring Baasa ng Israel, lumapit siya kay Haring Benhadan ng Aram. Ginamit niya pa kahit ang mga kayamanan ng templo. Sa kabila ng katotohanang niligtas sila ng Panginoon laban sa mas malaking hukbo ng mga Etiope, umasa siya sa mga tao. 

At nang sawayin siya ng propeta, sa halip na magsisi, kaniya itong pinakulong. Apparently dumating si Asa sa puntong hindi na siya nakikinig sa pagsaway ng iba. 

Na may pagitan sa pagitan niya at ng Panginoon ay makikita sa paglapit niya sa mga doktor sa halip na sa Panginoon. Walang masamang lumapit sa mga doktor ngunit ang masama ay iasa ang iyong kapalaran sa mga ito sa halip na sa Diyos na Siyang nasa likod ng kakayahan ng mga doktor na manggamot. Kahit malala ang kaniyang sakit, hindi siya lumapit sa Panginoon.

Anong nagagawa ng kapalaluan!

Sa halip na bumalik sa Diyos, mas ninais niyang umasa sa kamay ng tao. 

There is a lesson for us. Kung hindi tayo maingat, gaano man tayo kalapit sa Diyos ngayon, kung aalisin natin ang ating paningin sa Kaniya, mabubuwal tayo. Siguruhin nating nakatingin lagi ang ating mga mata sa Kaniya. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama