Amaziah: His heart has become proud
Ang kwento ni Amaziah ay makikita sa 2 Hari 14 at 2 Cronica 25. Siya ay isang larawan kung bakit hindi dapat magpakampante ang mananampalataya sa kaniyang kabanalan. Kahit ang matuwid ay maaaring malaglag nang dahil sa kapalaluan.
He started well, 2; at mayroon siyang sense of justice, 3-4. Maaari niya sanang gamitin ang kaniyang posisyun upang maghiganti ngunit matapos ipapatay ang mga assassins ng kaniyang ama, hindi niya ginalaw ang pamilya nito.
Ngunit mayroon siyang tendency na umasa sa kamay ng tao. Sa kabila ng katotohanang sinasamahan siya ng Diyos, nagbayad siya ng tulong mula sa mga walang takot sa Diyos, 5-10. Nakinig siya sa propeta at pinauwi ang mga ito ngunit ang maling desisyong ito ay mayroong negatibong konsekwensiya.
Bagamat siya ay nagwagi laban sa mga Edomita, sinugod naman ng mga pinauwing Israelita ang mga bayan ng Juda.
Na hindi siya perpektong lumalakad sa daan ng Panginoon ay makikita sa kaniyang pagkumpiska sa mga diosdiosan ng mga Edomita, 14-16. Hindi pumasok sa kaniyang isipan na ni hindi nagawa ng mga itong ipagtanggol ang Edom mula sa kaniyang mga kamay. This time hindi siya nakinig sa propeta. Ang judgment ay naghihintay sa kaniya.
Pag-uwi niya sa bahay, sa halip na makuntento sa kaniyang tagumpay, hinamon niya si King Joash ng Israel sa isang labanan. Hinayaan niyang pumasok sa kaniyang isipan ang kaniyang tagumpay. Marahil inisiip niyang ipaghiganti ang 3000 na pinaslang ng mga pinauwing mersenaryong Israelita. Inisiip niya sigurong ito ay kaduwagan na dapat parusahan.
Nalimutan niya ang babala ng propeta. Dahil sa kaniyang pagpulot ng mga diosdiosan ng mga Edomita, hinayaan ng Diyos na matalo siya ni Joash. Winasak nito ang malaking bahagi ng Jerusalem at kinuha ang mga kayamanan ng palasyo at ng templo.
Bagamat nabuhay pa siya ng 15 na taon pagkatapos ni Joash, siya ay hinayaan ng Diyos na mahulog sa kamay ng mga konspirador. He died the sin unto death.
Anong lesson ang makukuha natin dito? Huwag tayong magpalalo. Huwag natin hayaang pasukin ng tagumpay ang ating mga ulo. Ang ating katapatan ay dapat laging nasa Diyos at hindi sa mga diosdiosan. Maaaring hindi tayo lumuluhod sa mga diosdiosang bato at kahoy, ngunit ilan ang sumasamba sa pera at kapangyarihan?
Kahit ang matuwid ay maaaring mahulog sa kasalanan kung hindi niya babantayan ang kaniyang puso. Manalig sa Diyos sa tuwina.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/


Comments
Post a Comment