Thank You
Napakaraming bagay na dinala ang Diyos sa aming buhay and for that I am thankful. Binigyan Niya ako ng asawang Cristiano, nakapasok ako sa pamilyang inuuna ang Diyos sa lahat ng bagay at may disente akong trabaho. Wala akong ibang masasabi kundi, "Thank You Lord."
Ngunit may mga "pangit" na bagay ding dumating sa aming mga buhay. Nagkasakit ako sa baga, nawala ang aming kalamansian, nadisgrasya ang aming inahin at marami pang iba. God expects na kahit sa mga bagay na ito, tayo ay dapat magpasalamat.
It could have been worse.
Even in the bad things there are reasons to thank God.
Naalala ko nang minsang naiwan ako ng bus. Nagmamadali ako dahil madilim na kaya inis na inis ako ng hindi ko abutan ang bus. Nakasakay ako sa sumunod na bus. Guess what? Nadaanan namin ang naunang bus (yung sasakyan sana namin) na nadisgrasya hindi kalayuan. Niligtas ako ng Diyos by making me miss the bus. Naturally I worship Him.
Nang magkasakit ako sa baga, it is one of the best things that happen to me. Una, na-realize ko kung gaano ako kamahal ng aking misis na pinaglingkuran ako during that time. Mas na-appreciate ko ang resurrection body. I actually look forward to it because I hate this very sick and weak body.
Nang mawala ang kalamansian, maybe God has a better property in view. Nagpapasalamat na lang kami na sa loob ng mahigit kalahating siglo, nakinabang ang pamilya sa lupa.
Pwede kaming maging bitter. We choose to look at the positive side.
After all, our Father owns the cattles on the hill. He is omniscient and omnipotent. Most importantly He is holy and love. Wala Siyang pinapayagan sa ating buhay na hindi ayon sa Kaniyang kalooban.
So there is always something to be thankful for. Good, bad, lahat ay tulong-tulong upang dalhin ang mananampalataya sa maturidad. If only we're willing to learn.
Trust Him. Thank Him. In all circumstances.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/


Comments
Post a Comment