Sana all sumakses
Everybody want success but are you willing to pay the price?
Ang success ay hindi nahuhulog mula sa langit. Ito ay bunga ng pagtitiyaga, pagpupuyat at pagsasakripisyo ng kasakuluyang layaw kapalit ng tagumpay sa huli. Higit sa lahat ito ay bunga ng pagtitiwala sa Diyos.
Ang tanong ay anong uri ng tagumpay ang iyong nais?
Sa akin lang ito pero ang pansamantalang tagumpay is not appealing. What is 40 years of success if in the end you will end up a loser.
Alam kong alam ninyo ang patutunguhan ng blog na ito. Anumang tagumpay na galing sa sanlibutan ay pansamantala- nauubos ang pera, nawawala ang pagkilala at kinakalawang ang mga pag-aari. Higit sa lahat kung naniniwala ka sa Biblia, darating ang panahong lahat ay susunugin (2 Pedro 3).
So ang tunay na tagumpay ay ang mga eternal na pagpapahalaga. Yung gantimpala mula sa Bema. Yung mga espirituwal na pagpapalang nakabase hindi sa nagbabagong sirkumstansiya ng tao kundi sa hindi nagbabagong biyaya at karakter ng Diyos.
Sapat na sa akin ang may makain, may pambayad sa mga bilihin, may pampadoktor at kaunting ipong magagamit sa oras ng pangangailangan. Hindi ko kailangan ng maraming milyon. Baka hindi ako makatulog sa nerbiyos na pag-interesan ng mga tulisan.
Mas mahalaga sa akin ang buo ang aking pamilyang naglilingkod sa Diyos. Isang blessing ang mayroong asawa at mga anak na mananampalataya kay Cristo at may takot sa Ama.
Yes, kailangan natin ng pera, kailangan nating maranasang may worth tayo sa trabaho pero mas mahalagang masigurong kapag ikaw ay namatay, pupunta ka sa langit.
Basahin mo ang Juan 3:16. Manampalataya ka kay Cristo at magkaroon ng buhay na walang hanggan. Iyan ang tunay na success!
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/


Comments
Post a Comment