Pull me out
Yung feel mong down na down ka na at tinalikuran ka ng lahat. You hit rock bottom. What now?
Here's the good news, God is the Rock at the bottom. Talikuran ka man ng lahat, hindi iiwan ng Diyos ang Kaniyang anak.
Kung ikaw ay nanampalataya kay Jesus, ikaw ay anak ng Diyos, Juan 1:12; Gal 3:26.
Walang matinong magulang na iiwan ang kaniyang anak sa ere. Bakit natin iisiping gagawin ito ng matuwid na Diyos.
Kapag ang ating sinasandigan ay mawala, na sa katotohanan ay isang bali at matulis na tungkod, masusumpungan natin Siyang matibay na sandigan, hindi magigiba.
So rather than panic, call to Him, "Pull me out!" He's just waiting for you to cry.
Huwag tayong magmataas sa pag-aakalang lahat ay kaya natin. Aside from Him, we're nothing. We get our sustenance from Him.
Hindi tayo magtatagumpay sa buhay kung hihiwalay tayo sa Kaniya.
Walang atleta ang nagtagumpay nang dahil sa pagsuway sa kaniyang coach. Ang ating Ama ang Divine Coach na may hawak ng play para sa ating buhay. Ang Kaniyang gameplay ay nakasulat sa Biblia. Kailangan na lamang nating aralin at isagawa. It's like having a lesson plan na hindi mo na pag-iisipang gawin kundi isasagawa na lamang.
So cry to Him to pull you out of whatever pit you're in. Then start paying attention to His commands. You do that by opening your Bibles.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/


Comments
Post a Comment