Mga mababait lang ba ang aakyat sa langit?

 


Mababait lang ba ang aakyat sa langit? 

I hope not. Dahil kung oo, wala akong pag-asang makarating sa langit. 

Hindi ako mabait. At least sa sarili kong assessment ng aking sarili. I know that deep within me, kahit sa mga panahong gusto kong gumawa ng mabuti, may prinsipiyo ng kasamaan sa aking laman. 

Kaya kapag may nagsasabing mabait daw ako, natatawa ako. Apparently hindi niya pa ako kilalang lubusan. Nakikita lang nila ang side ko sa work or sa church, not when I am at home or I am alone. 

Or, nasabi nila ito dahil kinukumpara nila ako sa ibang tao. Kinukumpara sa mga pasaway sa lipunan. Mabait dahil hindi lasenggero, butanggero o tulisan. Mabait dahil hindi nananakit ng asawa o nagpapabaya sa mga anak. 

Relative righteousness. Mabait o mabuti dahil kinukumpara sa iba. 

Honestly that is a bit annoying. It is like saying pasado ka kasi naka-68 ka samantalang ang iba ay naka-65. As far as I am concerned, ang 68 gaano man kataas sa 65 ay bagsak pa rin dahil hindi umabot sa standard na 75. Nagmumukha lang siyang mataas kapag kinumpara sa mas mababang marka. 

As I have said relative righteousness. 

Which brings me back to my initial question. Mabait lang ba ang aakyat sa langit? 

Kung iikumpara natin ang ating sarili sa ibang "mas masama" masasabi nating tayo ay mabait. Hindi lasenggero, hindi butanggero, hindi manloloko. Relative na kabutihan dahil may mas masama. Pero kapag kinumpara natin ang sarili natin sa standard ng katuwiran ng Diyos- bagsak! 

Madaling mag-akalang magaling ang 68 kapag kinumpara sa 65 pero bagsak kapag kinumpara sa 75. Ganuon din madaling sabihing mabait na tao kapag kinumpara sa mga pasaway ngunit bagsak kapag kinumpara sa pamantayan ng Diyos. 

Hayaan nating ang Kasulatan ang magsalita:

Roma 3:23 Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios.

Ang lahat, kahit ang "mababait" ay nagkasala at hindi nangakaabot sa KALUWALHATIAN ng Diyos. 

See ang standard ay hindi ang ating kalagayan as compared to other people. It is our state in comparison to God. And the divine evaluation is all have sinned. 

Kaya gaya ng sinabi ko kung tanging "mababait" ang aakyat sa langit, hindi ako makaaakyat sa langit. 

Thankfully, God even the playing field. Sinugo Niya ang Kaniyang Bugtong na Anak upang bayaran ang kasalanan ng buong sanlibutan. Inalis Niya ang kasalanan bilang factor sa kaligtasan. Walang taong makapagsasabing hindi ako makaaakyat sa langit ng dahil sa kasalanan. 

Sa halip ang isyu ay nanampalataya ka ba kay Jesus o hindi. Kahit sino ay maaaring manampalataya. Ang nanampalataya ay mayroong buhay na walang hanggan. 

So I am thankful na hindi binase ng Diyos ang kaligtasan sa kabaitan. Binase Niya ito sa gawa ng Kaniyang perpektong Anak. Tinanggap natin ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/



Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama