Mga Ipinanganak na Walang Buhay?
Isang nakalulungkot na trahedya ang makuhanan. Ilang buwan mong dinala sa sinapupunan pero hindi naipanganak na buhay.
Something spiritually is happening. Maraming nagki-claim na sila ay born again ngunit kung tanungin mo kung may buhay na walang hanggan, ang sagot ay wala.
Para sa mga taong ito, ang born again ay relihiyon (religious born again), hindi kapanganakang espirituwal (tunay na born again).
Sa Juan 3, sinabihan ni Jesus si Nicodemong kailangan niyang ipanganak na muli. Hindi ko tiyak kung sarkastiko si Nicodemo o genuinely curious siya, nagtanong siya kung paano siya makababalik sa sinapupunan ng kaniyang ina? Jesus chides him dahil bilang guro ng Israel dapat alam niya ang kapanganakang muli dahil ito ay binanggit ni Ezekiel.
Pinaliwanag ni Jesus na ang bagong kapanganakan ay espirituwal. Kahit bumalik pa si Nicodemo sa sinapupunan ng kaniyang ina, ang laman ay manganganak lamang ng laman, ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu rin. Pinaliwanag din Niyang ito ay hindi nauunawaan ng tao kung paanong hindi alam ng tao kung saan galing ang hangin at kung saan ito patutungo.
Ipinaliwanag ni Jesus ang mekanismo ng kapanganakang muli: ang sumampalataya kay Jesus ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan.
Juan 3:16 Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Sa liwanag ng pahayag ni Jesus nakapagtatakang marami kaming nakausap na mga born again kapag kami ay nag-house-to-house evangelism na walang buhay na walang hanggan. Kapag tinanong sila kung paano ma-born again, sinasabi nilang kailangan mong magsisi at bumalik sa Diyos, mga pamamaraang hindi binanggit ni Jesus sa Juan 3, kung saan kinuha ang pangalang "born again."
Sa mata ng marami, ang born again ay miyembro ng relihiyong mahilig at masayahing kumanta (very commendable in my opinion), maiikli ang sermong devotional type rather than expositional (15 minutes?) at moralista. Ngunit sa Kasulatan, ito ay termino para sa mga nanampalataya kay Cristo at ipinanganak nang muli.
May mga panahong ayaw kong gamitin ang born again bilang panlarawan sa sarili dahil sa negatibong asosasyon sa mga "thorn again," o "burn against." Ironically maraming nagpapakilalang born again ang hindi born again (hindi sila nanampalataya kay Cristo para sa buhay na walang hanggan kundi umaasa sa kanilang mga gawa upang iligtas sila) at maraming hindi tinatawag ang sariling "born again" ( gaya ng mga Baptist, Presbyterian, nondenom o Bible Church Christians) ang tunay na born again.
Born again is not a religion. It is a spiritual status of people who believe in Jesus for eternal life.
Ang Espiritu ay hindi baog. Ang Kaniyang ipinanganak na muli (born again) ay may buhay na walang hanggan. Walang miscarriage o spontaneous abortion sa Espiritu. Ang tunay na born again (hindi religious born again) ay may buhay na walang hanggan.
Be born again by faith alone in Christ alone. Don't be a religious born again. Walang taong maliligtas ng dahil sa relihiyon. Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay manampalataya kay Cristo. At ang buhay na ito ay hindi maiwawala kailan man.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/


Comments
Post a Comment