Full disclosure: naglalaro ako ng
ML. It is literally the last thing I do every night before sleeping. It is what I do to unwind.
Whisper: there is more to life than playing ML. It is the sauce, not the meat, of our lives.
If you spend most of your time playing ML, I think you need to rearrange your priorities. And if you rather play ML than read your
Bible, you need to rethink your priorities.
Having said that, playing ML will not send you to Hell.
Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng
buhay na walang hanggan ay manampalataya kay Cristo. Maglaro ka o hindi ng ML, kung nanampalataya ka kay Cristo mayroon kang buhay na walang hanggan,
Juan 3:16.
Mahalaga ang pagbabasa ng Biblia. Pero hindi rito nakasalalay ang pagkakaroon ng buhay na walang hanggan. Kung may nagbahagi sa iyo ng mensahe ng buhay at nanampalataya ka, ligtas ka kahit hindi ka makabuklat ng Biblia buong buhay mo. Mahalaga ito sa paglago espirituwal. Pero kailangan mo munang magkaroon ng buhay na walang hanggan by
faith in Christ.
Hindi magandang ubusin ang oras sa paglalaro ng ML. Maraming mas nangangailangan ng iyong atensiyon gaya ng pagbabasa ng Biblia, pag-aaral nang mabuti at pagbibigay atensiyon sa kalusugan. Maging maingat na huwag ma-adik sa paglalaro nito.
Ganuon pa man, ang paglalaro nito ay hindi magdadala sa impiyerno. Kung nanampalataya ka kay Cristo, pupunta ka sa langit kahit adik ka sa ML. Kung hindi ka nanampalataya kay Cristo dahil umasa ka sa iyong relihiyon o sa iyong sariling gawa, pupunta ka sa impiyerno kahit hindi ka nakalaro ng ML buong buhay mo. Ang rason? Juan 3:18, hindi ka nanampalataya kay Cristo.
Ang paglalaro nito ay dapat nasa low priority. Gawin mo ito kapag natapos mo ang mas mahahalagang bagay gaya ng pag-aaral ng Biblia, pag-aaral sa paaralan, paggawa ng gawaing bahay o pag-eehersisyo. Even then, iwasang magpakalulonv dito.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/
Comments
Post a Comment