Kailangan ko bang pagsisihan at pagbayaran ang lahat kong mga kasalanan upang maligtas?
Una sa lahat kung aware ka lahat ng iyong kaslaanan, you are omniscient. I cannot even know all my sins since for sure some of them I did out of ignorance. How can I know a sin I did unaware?
Secondly if you repent of all of them, you must be an exceptionally honest man. Majority of us try to justify our sins. We defend our sins, we blame others.
I guess my point is if I do not even know all my sins, how can I repent and expiate for all of them?
Thankfully, ang kaligtasan ay hindi nakabase sa ating pagsisisi sa ating mga kasalanan at pagbabayad ng mga ito.
Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay ang manampalataya kay Jesus para rito. Namatay Siya sa pagbayad ng ating mga kasalanan precisely because hindi natin kayang bayaran ang mga ito on our own. Siya ang nagbayad ng mga kasalanan upang hindi ito maging hadlang sa pagitan ng Diyos at ng mga tao. Walang makapagsasabing siya ay pupunta sa impiyerno nang dahil sa kasalanan.
Sa halip ang nag-iisang kundisyon ay manampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan. Kahit sino ay maaaring manampalataya kaya walang diskrimanasyon sa kaligtasan. Kung manampalataya ka kay Jesus ang pangako ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan, Juan 3:16; Gawa 16:31.
Hindi ko sinasabing hindi kailangan ang pagsisisi o wala itong pakinabang. Ang Biblia ay puno ng panawagan ng Diyos sa Kaniyang bayan, sa Kaniyang mga anak, na magsisi at manumbalik sa Diyos. Gaya ng amang winawasto ang mga anak, ang Ama sa langit ay nananawagan sa Kaniyang mga anak na magsisi ng kanilang pagkakamali at bumalik sa Kaniya. Bukod diyan, kailangan nating bayaran ang kapwa sa mga damage na resulta ng ating kasalanan . Pero kailan man hindi kinundisyon ng Diyos ang kaligtasan sa pagsisisi at pagbabayad nito.
Ang sinumang manampalataya kay Jesus ay may buhay na walang hanggan. Maaaring may kaakibat mang pagsisiisa at kalungkutan ang pananampalataya o wala, ang kaligtasan ay nakabase sa pananampalataya, hindi sa emosyon. Hindi nagsisinungaling ang Diyos.
Nanampalataya ka na ba kay Jesus para sa buhay na walang hanggan? Ang Diyos ay hindi taong ang pangako ay napapako. Ang pangako ay ang manampalataya ay may buhay na walang hanggan. Ngayon mismo. Hindi bukas. Hindi makalawa. At ito ay hindi naiwawala. Ang eternal na buhay ay eternal. Hindi ito maiwawala.
Manampalataya ka kay Jesus at tanggapin ang buhay na walang hanggang hindi maiwawala.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama’t miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/


Comments
Post a Comment