If you're alive, God has a plan
I don't know what you're undergoing today but if you're alive God has a plan for you. And that plan is full of grace and love.
Mula sa sinapupunan ng ating ina hanggang sa sandali ng ating kamatayan, ang buhay na iyan ay puspos ng biyaya.
Kasama natin Siya sa ups and down ng buhay. Ang tanong ay kung kinikilala ba natin Siya at kung nakikilala ba natin ang Kaniyang pagkilos sa ating buhay.
May mga panahong ang ating mga mata ay pinalalabo ng luha ng kalungkutan o ng alapaap ng pag-aalala ngunit huwag kang matakot, even then, nandiya Siya. Sabi nga sa "Footprint in the Sand," iyan ang panahong karga ka Niya.
Ipagkatiwala natin sa Kaniya ang ating mga buhay. Bilang mga object ng Kaniyang pag-ibig, hindi Niya tayo dadalhin sa ikapapahamak natin.
Ang Kaniyang layon ay ang maging kawangis tayo ni Cristo, hindi ang mapahamak tayo.
Especially when we're down, remember this truth.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/


Comments
Post a Comment