Choose whom you will serve
Ecclesiastes 12:1 [1]Remember also your Creator in the days of your youth, before the evil days come and the years draw near when you will say, "I have no delight in them";
Joshua 24:15 [15]If it is disagreeable in your sight to serve the Lord, choose for yourselves today whom you will serve... but as for me and my house, we will serve the Lord."
The youth is the hope of the Father Land, sabi ni Rizal. Well Christian youth is the hope of the Church.
A Church with inactive youth will die.
For simple reason: this youth will be the future adult members of the church. They will decide the direction of the local church.
Kung ngayon pa lamang ay nahuhumaling ang mga Cristianong kabataan sa sanlibutan, siguradong kapag sila ay full adults na, hindi sila magiging aktibo sa simbahan.
Ang sanlibutan ay maraming pang-akit sa mga kabataan. Ang pita ng laman ay nakikipagtulungan sa sanlibutan upang dayain ang mga Cristiano.
Ang pagnanasa ng mata, ang pagnanasa ng laman at ang kapalaluan ng buhay ay aktibong humihila sa mga Cristiano palayo sa Diyos.
Isang pakiusap sa mga Cristianong kabataan: pumili kayo ngayon kung kanino kayo maglilingkod: sa buhay na Diyos o sa mga baal ng sanlibutang ito. Hindi ka makapaglilingkod ng sabay sa Diyos at sa mamon. Either si Cristo ang nasa trono ng iyong buhay o ang laman ang humihila sa iyong buhay.
Marahil sapat na ang naging karanasan ninyo sa sanlibutan. Nakita ninyo kung paanong inakit ng sanlibutan ang mga tao at sa huling sandali ay kaniyang iniwan.
Huwag ninyong hayaang nakawin ng sanlibutan ang inyong kabataan at lakas. Ibigay na ninyo ang inyong best para sa Kaniya.
Huwag ninyo hintaying manghina ang katawan bago maglingkod. Huwag ninyo hintaying kapag hindi mo na kayang tumayo saka ka magnanais na maglingkod.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/


Comments
Post a Comment