Akala ko ay langit, iyon pala ay impiyerno
Aanuhin mo ang Kpop kaguwapo kung ang dala ay kapahamakan.
Simula’t sapul ay prone ang taong madala sa panlabas na anyo. Kapag gwapo, kapag makisig, kapag mayaman… mga panlabas na katangiang hinahangaan at hinahanap ng karamihan. This is true for both sexes.
But in choosing a wife, look for character. After all ang kagandahan ay lilipas pero ang karakter ay mananatili.
Sa halip na maghanap ng gwapong walang takot sa Diyos, piliin mo ang taong ilalapit ka sa Diyos. Kung ikaw ay mananampalataya kay Cristo at may buhay na walang hanggan, pumili ka ng taong mananampalataya rin sa Kaniya. Kung iniibig mo ang iyong asawa nanaisin mo bang mapa-impiyerno siya habang ikaw ay nasa langit?
Kaya lagi kong binibigyang diing unahin ninyong bahagian ng mensahe ng buhay ang inyong pamilya.
Bukod sa mananampalataya, pumili kayo ng taong seryosong sumusunod sa Diyos. Iyong lalago ka sa iyong relasyon sa Kaniya. Aanuhin mo ang gwapo kung hahadlangan kang magsimba?
Pumili kayo ng taong may magandang establishment principles, marunong sumunod sa kinauukulan at magalang at masipag. Iyong kaya kang buhayin at ang pamilyang inyong itatayo.
Ang panlabas na anyo ay nakakadaya. Kaya matuto tayong tumingin ng mas malalim. Tingnan natin ang karakter. Hindi ka mapapamali sa lalaking kawangis ni Cristo.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama’t miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/


Comments
Post a Comment