Aakyat ba ako sa langit kung hindi ako nagbabasa ng Biblia

 


First and foremost sana nagbabasa ka ng Biblia. Honestly as a lifelong reader and student of the Bible, hindi ko ma-imagine ang isang araw na hindi nagbasa o nag-aral ng Biblia. Madalas akong ma-suspend ni FB sa walang sawang pag-post o pag-share ng Bible lessons.

But to answer the question: No reading the Bible is not require to Heaven. 

Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay ang manampalataya kay Cristo. Kahit sinong nanampalataya kay Cristo ay may buhay na walang hanggan, magbasa man siya o hindi ng Biblia. 

Ang tulisan sa krus ay hindi nagbasa ng Biblia ngunit siya ay naniwalang si Jesus ang magdadala sa kaniya sa Kaharian sa araw ding iyon. 

In fact wala kahit sinuman sa Luma o Bagong Tipan ang naligtas sa pagbabasa ng Biblia for a very simple reason- the Bible is still being written. Instead they believe whatever revelation they have at that time. Abraham believed God and it was counted to him for righteousness. Paul believe in Christ and he was justified. 

Mahalaga ang pagbabasa ng Biblia upang lumago sa pananampalataya. Mahalaga ito upang lumalim ang espirituwal na buhay. Pero upang magkaroon ng espirituwal na buhay, kailangan mong manampalataya kay Jesus para rito. 

Nang una kong mabasa ang mensahe ng buhay sa isang tract, hindi ako regular ba nagbabasa ng Biblia. Yes nakadalo ako sa Sabbath Bible school nang bata pa ako. Pero nanampalataya ako kay Jesus nang basahin ko ang tract na "Ito ang Iyong Kasagutan." Dito ko naunawaang si Jesus ay namatay sa pagbayad ng ating mga kasalanan at ang nanampalataya ay may buhay na walang hanggan. After I believe, I regularly study the Bible, but not before believing. 

Sa pamamagitan ng pag-aaral ng Biblia mauunawan natin ang plano ng Diyos at ang ating puwang sa planong iyan. Magiging kawangis tayo ni Cristo.

So kung threatened ka dahil hindi ka nagbabasa ng Biblia, alalahanin mong ang kailangan upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay manampalataya kay Cristo. Huwag mong iisiping tanging mga palabasa ng Biblia ang may buhay na walang hanggan. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free https://faithalone.org/ebooks/santiago/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama