Pray for me

 


I love gifts. Unfortunately kakaunti lang ang nagbibigay. At madalas sarili ko pang pera (binuking kita loving!). But seriously one of the best gifts you can give to me is to pray for me. 

Nahaharap kami sa kaliwa't kanang hamon. May kolehiyo na kami and God willing this year, madadalawahan na. Nai-imagine ko na ang stress ng paghahanap ng pera. 

Dagdag pa diyan ang problema sa trabaho, sa nanghihinang katawan nila Tatay at Nanay, at mga personal na problema. Nariyan din ang problema sa simbahan dahil ang paghahanda ng sermons ay hindi kasing simple ng pagkonsulta ng AI

So we need your prayers. Please pray for us dahil nasa stage kami ng parenthood na magastos at nakakaalala. Nakakaalala rin ang malayo ang iyong anak. Kailangang matutong ipagkatiwala sa Diyos ang kanilang kabutihan. 

If you pray for me and mine, I will consider it an act of love. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

https://faithalone.org/ebooks/santiago/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION