Kailangan ko bang umanib sa isang relihiyon upang maligtas?


 

Ang maikling sagot ay hindi. Kailan man ay hindi kundisyon sa pagkakaroon ng buhay na walang hanggang ang pag-anib sa anumang relihiyon.

Narito ang mga pasahe ng Kasulatang nagtuturo paano magkaroon ng buhay na walang hanggan:

Juan 3:15 Upang ang sinomang sumampalataya ay magkaroon sa kaniya ng buhay na walang hanggan.

Juan 3:16 Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Juan 3:17 Sapagka't hindi sinugo ng Dios ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan niya. 18 Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka't hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Dios.

Juan 3:36 Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; nguni't ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Dios ay sumasa kaniya.

Juan 5:24 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dumirinig ng aking salita, at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin, ay may buhay na walang hanggan, at hindi mapapasok sa paghatol, kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan.

Juan 5:29 Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Ito ang gawa ng Dios, na inyong sampalatayanan yaong kaniyang sinugo.

Juan 5:40 Sapagka't ito ang kalooban ng aking Ama, na ang bawa't nakakakita sa Anak, at sa kaniya'y sumampalataya, ay magkaroon ng walang hanggang buhay; at akin siyang ibabangon sa huling araw.

Juan 5:47 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sumasampalataya ay may buhay na walang hanggan.

At marami pang pasahe ang masisipi. Ayon sa isang nag-aral mahigit 150 pasahe ang nagkukundisyon ng buhay na walang hanggan sa pananampalataya. 

Pansining wala sa mga ito ang nagsabing kailangan mong umanib sa anumang relihiyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan. In fact ang mga sinabihan nito ay mga kaanib na ng relihiyon. 

Bakit may nagtuturong kailangan mong umanib sa relihiyon upang maligtas? Ang pinakasimpleng sagot ay tinakwil nila ang daan sa Ama- si Cristo- in favor of their own religion. Mas pinili nilang manampalataya sa kanilang pinuno o sa kanilang tagapagtatag kaysa sa malinaw na banggit ng Kasulatan. 

It doesn't matter if you claim to be founded by Christ Himself (He didn't personally), or umanib sa simbahan ng unang siglo, o miyembro ng binalik na simbahan, o umanib sa simbahan ng sugo sa mga huling araw o bagong simbahan, ang pag-anib sa relihiyon ay hindi kundisyon ng buhay na walang hanggan. Ang kundisyon ay manampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan.

The pride of man forces him to reject God's grace and substitute other ways. 

Let us be humble to recognize our need for God's grace. Believe in Jesus for eternal life.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION