Fellowship forgiveness

 



1 Juan 1:9 Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan.

Ang Mateo 6:14-15 ay madalas gamitin bilang kundisyon ng buhay na walang hanggan. Ngunit nalilimutan nating ang panalangin ay orihinal na binigay sa mga dati ng mananampalataya. Ang mga alagad ay humihingi ng tulong kung paano manalangin hindi kung paano magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Nang manampalataya tayo kay Jesus, binigyan Niya tayo ng buhay na walang hanggang at kapatawaran ng ating mga kasalanan. Ang buhay na iyan ay hindi maiwawala kailan man.

Ngunit habang tayo ay nabubuhay sa lupang ito, tayo ay nagkakasala. Ang kasalanang ito ay sumisira sa ating pakikisama sa Diyos at maibabalik lamang ito kung tayo ay magkukumpisal ng ating mga kasalanan.

Ngunit kung tayo ay may galit o selos ating kapatid, nangangahulugang ito ng nagpapatuloy na kawalan ng pakikisama. Ang tanging paraan upang mahinto ito ay ang makipagkasundo sa kapatid. In a real sense, our fellowship with God depends on our fellowship with our brothers and sisters in Christ.

Perpetuating hostility towards a brother means you’re perpetually out of fellowship. Stop the pattern by reconciling first before making our offering, that is before service. Acceptance of our service depende on ongoing fellowship with God and our fellowship with God means we have no active hostility against your brother.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama’t miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/





Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama