Wala akong time magbasa ng Biblia
Wala akong time magbasa ng Biblia. Hindi ko matiyagaan, sorry sa iba na lang. Ang mahalaga ay tagos sa puso ko ang pagmamahal sa Kaniya. Kahit hindi ako nagbabasa ng Biblia, alam ng Diyos na mahal ko Siya. Excuses. Marami tayong excuses para huwag magbigay ng oras sa Kaniyang Salita. At kung wala tayong maibigay, siguradong bibigyan ka ni Satanas ng dahilan. May time tayo sa barkada, sa bisyo, sa hobby, sa FB... Pero walang time sa Bible. Kung bigyan tayo ng guro natin ng performance tasks na hindi natin alam gawin, gagawa tayo ng paraan upang maka-comply. Magyu-Youtube, PinIt, magcha- Chat GPT . Pero pag dating sa Bible, kuntento na tayo sa excuse na wala kasi tayong gift or training. Kung may task na binigay si Boss kahit gabi na, gagawan natin ng paraan. Pero kapag Bible, bahala na si Brother ganito at ganiyan. Hindi natin magagamit na excuses ang kakulangan ng oras o kakayahan upang takasan ang personal na pagsisiyasat ng Kasulatan. E...