Unseen but faithful
They congratulate each other for the profits. What they don’t know is God gave the profits because of the faithfulness of the Christian janitor. God made sure that the business prospers upang may bonus na matanggap ang Kaniyang anak.
Powerful picture.
Ministry doesn’t have to be public. Marami sa ating naglilingkod lamang kapag nakikita. Gusto natin ang applause. Gusto natin ang feeling na tawaging pastor sa mga lansangan at sayad ang ating mga slacks sa daanan. But service is not to be men-pleaser. We serve Christ and He determine the area of service for His glory and for the edification of the Church.
Minsan ang ministry ay visible. Nakatayo ka sa harapan, nagtuturo ng Salita ng Diyos. But not everyone is called to a pulpit ministry. The majority of us ay walang kakayahan o disiplina upang mag-aral at magturo ng Biblia.
But it doesn’t mean na wala tayong ministry. Maraming gawain sa simbahang nangangailangan ng atensiyon. May music ministry, may children ministry at may evangelism ministry. Hindi kakayahin ng iisang pastor ang mga gawaing ito.
Kailangang linisin ang hall. Ayusin ang mga upuan. Salubungin at i-entertain ang mga bisita. Bisitahin ang mga nanlalamig sa paglilingkod. I-follow up ang mga bagong prospects. I-train ang new leaders. Maghugas kapag may church functions. Mag-ayos ng projector at sound system. Etc.
Maaaring behind the scene ang mga ito but they’re not less important than the public teaching of the Word of God.
They make it easier for the pastor to focus on the Word and prayers.
The ministry is not meant to be a one-man team. It is a team effort. Laymen (whatever that means) are not meant to be spectators. They are meant to participate with the lige of the local church. Serve.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama’t miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)


Comments
Post a Comment