The missing piece
Some people seem to have it all. Mayaman, maganda, ginagalang… mga bagay na marami sa atin ay pinapangarap. Yet gaya ng kantang “Lucky” the tears come at night.
Ano pa ba ang kulang?
Ayon kay Augustine tayo ay nilalang para sa Kaniya at hindu tayo makasusumpong ng kasiyahan o kahulugan hiwalay sa Kaniya. Sabi ng isang pilosopo, mayroon tayong God-sized na butas na tanging Siya ang makapupuno. Walang materyal na bagay o tagumpay ang makapapalit dito.
Mayroon tayong existential vacuum sa ating mga buhay. Tila may kulang. May hinahanap. Hindi natin masumpungan ang kahulugan at kasayahan.
The more we become materially prosperous, the more depressed and anxious we become. Secularism removed meaning from life.
Maybe the missing piece is right there in front of you- kumakatok sa iyong puso. Pagbubuksan mo ba ang Diyos?
Lagi kong sinasabi sa pulpito na ang mga Cristiano should be the happiest persons in the world. After all we have eternal life, we belong to the family of God, we are future rulers of this world. Yet maraming Cristianong namumuhay na tila walang kabuluhan ang buhay. Many are practically atheists- namumuhay na tila walang Diyos.
Nakapagtataka bang ang kasiyahan ay tila laging abot kamay pero sa huling sandali ay umaalpas?
Tila tayo mga asong paikot-ikot sa paghabol ng buntot pero hindi maabot-abot.
The key to finding happiness is not pursuing happiness. The key is to develop a relationship with the Blessed God, the Happy God. True happiness, inner happiness, comes from growing into maturity, being occupied with Christ.
If we’re occupied with Christ, our happiness will not be affected by outward circumstances. We’ll be content with prosperity and adversity because either provides an opportunity to know Him more. We become thankful in prosperity and in adversity we become thankful because He didn’t forsake us.
Kung gusto nating mabuo, huwag kaligtaan ang missing piece. God is the missing piece.
Siya ang bubuo sa iyong pamilya, sa iyong pangarap, sa iyong buhay. Focus on Him.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama’t miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)


Comments
Post a Comment