Thank you sa ating mga lolo at lolang modelo ng pananampalataya

 


Service has no age limits. As long as you're alive, you can serve Him in some capacity. 

Yes, kinikilala nating nanghihina ang katawan at maaaring may mga paglilingkod na hindi na natin magagawa. Maaaring wala na tayong lakas, stamina at linaw ng mata upang mag-aral at magturo ng Biblia. Maaaring nangangatog na ang mga tuhod upang sumama sa tracts distribution and house to house evangelism. Maaaring namamalat na tayo upang manguna sa congregational singing. Ngunit maaari ka pa ring maglingkod sa less demanding ministries, lalo na sa pagmentor sa iba. 

Gamitin mo ang iyong kasanayan upang turuan ang ibang mas nakababata pero kulang sa karanasan upang mamuno. Isalin mo ang iyong karunungan at kasanayan sa susunod na henerasyon. Imentor mo ang nakababata upang mahanda sila to take the helm. 

Maaaring hindi ka na makasama sa paglilibot pero matutulungan mo silang mag-organisa, maghanda ng mga literatura at magluto para sa mga pagod. Ang nagbibigay daw ng tubig sa isang matuwid na tao dahil sa siya ay matuwid ay nakikibahagi sa kaniyang gantimpala. 

Maaaring namamalat ka na upang manguna sa congregational singing pero pwede mong turuan ang ibang kumanta. Ikaw ang kanilang Voice coach, Christian edition

Sa Tito 2 pinakita ni Pablong kahit ang matatandang lalaki at babae ay may puwang sa paglilingkod- sa pamumuno at pagmomodelo ng wastong paniniwala at gawi. Isa sa pinaka-best nilang ministry ay ang imodelo ang Cristianong pamumuhay. 

What a privilege to have an older mentor in holiness. 

What a blessing kapag ang mga bata ay may tinitingnang modelong maaaring gayahin at konsultahin. Ang ating mga natutunan ay tila lamparang signposts sa daan.

Maaaring napapaisip kang masyado ka ng matanda. Wala ka ng magagawa. Ngunit mayroon. In fact ang katandaan ang inyong eligibility. Mayroon kayong karunungang hindi pa naabot ng mga nakababatang kagaya namin. So model for us. 

Maaaring napapagod ka na at inisiip, is it worth it? Mas gusto mo ang comfort kaysa pagurin ang mga tumatandang tuhod. But God rewards faithful service. Your investment in energy will not go unnoticed. 

Serve. Be a model. Train the next generation. Leave a legacy.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama