Thank God for friends and dreams
I am a loner. Even when I am in a crowd, I have the unique ability to be alone.
I am not being lonely. I just prefer to go solo.
I can work with people. I work with people. Some of these people I will even consider friends. Some I consider family. But at my core, I am a loner.
I find the idea of me and God alone as a beautiful concept.
Of course my wife is always by my side. But I never consider her as “other.” She’s my rib and she is me. Our children are by extension, my extension.
Now I am being depressing.
Not my intent.
Kung ang isang loner na kagaya ko ay nagawa pa ring magkaroon ng friends, and through their help, turn some of my dreams into reality, it means there is hope sa inyong mas bubbly ang personality. So huwag ninyong balewalain ang inyong mga friends. Make them family. More importantly do not forget God.
Everyday I am thankful sa Diyos na nagdadala ng umaga pagkatapos ng bawat madilim na gabi. Mayroong bagong pag-asa at tsansang itama ang mga mali ng kahapon at magpatuloy sa hinaharap. Nagpapasalamat ako na sa kabila ng aking crappy personality, nagkaroon ako ng friends at ang mga friends na ito ay tinanggap ako bilang pamilya. Kaunti lang sila but I am thankful. Nagpapasalamat ako sa Diyos na ginagawang realidad ang mga pangarap na maingat na nilapag sa Kaniyang paanan. Malayo pa pero malayo na at by God’s grace, lalayo pa.
Salamat sa biyaya ng Diyos dahil ang kagaya kong may napakababanh social capital ay nagtatamasa ng Kaniyang mga blessings. I cannot work for these even if I try. I don’t have the necessary talents, personality and contacts in high places. But God’s grace can bring a person trusting in Him to places no contacts can ever reach.
Thank you Lord.
May you continue blessing your son. Your servant.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)


Comments
Post a Comment