Our Authority
Bilang mga Cristianong estudyante ng Biblia, ang ating authority sa espirituwal na pamumuhay, actually sa lahat ng aspeto ng ating pamumuhay, ay ang Biblia. Maaaring hindi tayo nagkakasundo sa pagkaunawa nito, pero huwag mangyaring may Cristianong ang basehan ng pamumuhay ay ang mga ideya ng sanlibutan (ang kulturang nakapalibot sa atin).
Iisipin ng mga taong tayo ay weird. Hindi tayo sumasama at naniniwala sa kanilang mga paniniwala at gawa. Nagsasagawa tayo ng mga bagay na hindi nila nauunawaan. Iba ang ating prioridad. Iba ang ating scale of values.
The main difference is we took our beliefs and values from the Bible, not the culture around us.
Not from some magisterium.
Not from some pastor or theologian.
Not traditions.
Not theological presuppositions.
Not from some councils.
Not from some covenants or documents.
Not from church history.
These are helpful. But they are not the ultimate authority. When they go against the Bible, we have to reject them and suffer the consequence.
Nakalulungkot na minsan ang ating attachment sa isang teologo o sa isang theological position, ating binabaluktot ang Kasulatan. I am not referring to legitimate difference in opinion between men who have a very high regards for the inerrancy, infallibility and superiority and ultimate authority of the Scriptures. I am referring to people who took the writings of some dead men or some denominational creeds over and above the Scriptures.
I can live with people who disagree with my understanding of the Scriptures as long as they take that as their ultimate authority. Heaven will show who is right. But when people consult other authoritative texts/revelations of supposed prophets/apostles and reinterpret Scriptures to fit such presuppositions, I can’t fellowship with you. Mahirap ang ini-ignore ang plain sense of Scriptures pero nagagawang makasumpong ng esoteric meaning sa numero, kandila o kulay sa Biblia.
Make the Bible your authority and your paths will be straight.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama’t miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)


Comments
Post a Comment