Objectivity is hard
I wish I can say that I am very objective when it comes to studying the Word of God. But if I will be honest, just like everyone else, I have my biases. I am a dispensational premillennialist. So when I read the Bible, I tend to see it where my amillennial friends see otherwise.
Naalala ko sa isang diskusyon with a colleague regarding COVID vaccine (naniniwala siyang ito ang 666), when I asked her kung ano ang pangalan ng Antichrist (Sinovac?) dahil ang 666 ay pangalan ng Anticristo at kung may alam siyang tinurukan sa noo (wala, bagama't mayroong sa pwet), nagtaas siya ng boses at sinabing literal raw kasi ako. I ask her why not? That is the only objective way to understand anyone.
Imagine pinadalhan ka ng notice of billing at instead of taking it at face value, sabihin mong this only means that we need to be responsible. I guarantee na tatanggap ka nh penalty sa arrears.
Lahat tayo ay may dalang preconception. This is especially true kapag inasa natin ang ating pagkaunawa ng Biblia sa iba - sa mga "namumuno" o sa mga "eksperto."
Ilang relihiyong pinagbabawalan ang kanilang miyembrong aralin ang Biblia para sa kanilang sarili ngunit dapat umasa sa kanilang opisyal na interpretasyon? Ang dahilan ay sila lamang daw ang pinili ng Diyos upang maging awtoritatibong interpreter ng Kasulatan.
Ngunit ang sisi ay hindi lamang sa pamunuan. Ang mga Cristiano ay mayroon ding pananagutan. Inasa natin sa iba ang pag-aaral. We failed to ask questions. We swallow everything, hook, line and sinker. We swallow the meat and all the bones.
For some reason when it comes to the Bible, people are happy to park their brains outside the gate. They are brilliant in other areas of life but when it comes to the truth that has eternal repercussions, "Basta iyan ang sabi ni Leader."
Sinikap ng Repormasyong ibalik sa ordinaryong tao ang Biblia. Kaya nga binigyang diin nila ang universal priesthood of all believers. Walang separate priesthood between God and man. He van directly worship God without any intermediaries.
Kaya nga emphasized ng mga unang Protestante ang edukasyon. We need to learn so we can read our Bibles for ourselves.
May mga bansang bawal ang Biblia at illegal ang Christianity. Marami ang nagbuwis ng buhay dahil sa pag-aari o pagbasa ng Biblia.
In contrast, inaalikabukan ang ating mga Biblia.
Inasa natin sa iba ang ating pagkaunawa ng Biblia.
Nakaalala tayong magbukas ng Biblia, sa halip na unawain ito ayon sa konteksto, pinapatong natin ang pagkaunawa ni Lider. We read the Bible with denominational glasses.
This is one of the worst kinds of illiteracy. Mahirap turuan ang ayaw matuto dahil may pinanghahawakan ng "karunungan."
Read. Study.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)


Comments
Post a Comment