Let go and be healed
Hindi madaling magpatawad lalo kung paulit-ulit na nagre-replay sa isipan ang offense. I know dahil madalas sa aking mangyari ito.
I wish masasabi kong dati iyon. Ngayon I mature to the point na awtomatiko kong binibigay sa Diyos ang mga sama ng loob.
But I will be a liar.
The truth is until now, even though lagi kong tinuturo ito sa pulpito, mahirap sa aking makalimot at magpatawad.
But by God's grace, sinusubukan ko.
Nasa edad na akong wala na akong panahon sa mga bagay na magbibigay sa akin ng sama ng loob. Ang gusto ko na lamang ay peace of mind. Na-realize kong habang ako ay nanggagalaiti sa galit, ang object ng aking wrath ay nagsasaya. It is not fair sa akin, at hindi fair sa kaniyang, nagdurusa ako because of my failure to forgive.
So my prayer is: Lord teach me to apprecite the magnitude of your grace na nagpatawad sa akin. Dahil sa sandaling malimutan ko ito, maniningil ako sa nagkasala sa akin.
Ayaw kong matulad sa lingkod ng haring pinatawad sa malaking pagkakautang ngunit hindi magawang patawarin ang kapwa lingkod sa mas maliit na utang. Pinahuli siya ng hari at pinatuos ang kada sentimo.
The lesson: you're forgiven for much, forgive those with lesser offenses.
God forgave us. Let us forgive others.
I know hindi madali. Lalo kapag paulit-ulit na naglalaro sa isipan ang mga pangyayari. In multicolor pa. With editorials and subtitles. Ito pala ang peril ng pagkakaroon ng matandaing memorya.
But if we will learn to contain our thoughts, healing will be possible. Sa halip na i-replay nang paulit-ulit ang mga pangyayaring hindi na mababago, ang mga nabitawang salitang hindi na mababawi, replace it with something else. Sabi ng salmista ay tinago niya ang Salita ng Diyos sa kaniyang isipan upang hindi siya magkasala. We should imitate him.
Mahirap maging bitter kapag ang puso ay puno ng grace and gratitude.
In case you forget, grace and bitterness don't belong to the same heart, at least iyan ang sabi ng may-akda ng Hebreo.
Instead of feasting on the hurt, let us like David, focus on the goodness and mercy of God that follows us in our lives. True healing doesn't ignore what happened. Nangyari iyon but grace teaches us to be bigger than our pain. We become Christ-like if we learn how to forgive.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)


Comments
Post a Comment