It makes my heart glad
Proverbs 15:30 [30]Bright eyes gladden the heart; Good news puts fat on the bones.
Pag-uwi namin galing sa Amoguis kahapon, sinalubong kaming mag-asawa ng isang napakagandang balita- umuwi ang aming panganay mula Manila for year end break. Nasorpresa kami dahil ini-expect naming sa Lunes pa siya darating. Iyon ang chat niya sa amin. Sinadya niya pala iyon upang kami ay masorpresa.
Hindi ko mailarawan ang sayang aking naramdaman. God has been gracious to us and I will rate this is one of the most gracious things God give and did.
Masaya kami dahil safe ang aming anak. Masaya kami dahil kasama namin muli si Naomi. Hindi mapapalitan ng video call o chat ang personal na makausap ang iyong anak.
Alam kong mas masaya ang aking misis. Close sila ni Naomi. Walang tigil na kwentuhan ang siguradong mangyayari.
Salamat sa Ama at ligtas ang aming anak. This means 2 weeks na kasiyahan. Gamitin nawa namin ang 2 linggo ito upang mapalapit lalo sa bawat isa.
Salamat po Ama.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)


Comments
Post a Comment