Invite kita


Your invitation matters!

Siguro iniisip mo, paano ako makapaglilingkod sa Diyos e mahiyain ako? Mahina ako magsalita? Kulang ang aking kailangan sa Biblia? Marahil mas mabuting manahimik ako at hayaan ko ang mga propesyunal (ang pastor at ang klerigo) ang magtrabaho.

“Wala akong pakinabang.” Iyan ang pangungusap na hindi dapat masumpungan sa bokabularyong Cristiano. Tanging mga taong namumuhay sa ilalim ng araw ang may ganitong pilosopiya (basahin ninyo ang Ecclesiastes).

Bawat miyembro ng Katawan ni Cristo ay nasa Katawan for a purpose. Hindi naglagay ang Diyos ng bahaging walang pakinabang sa ating pisikal na katawan. Ang mga sinasabing vestigial organs ay napatunayang mayroong function sa katawan. Bakit natin iniisip na ang espirituwal na Katawan ni Cristo ay iba?

Nilagay tayo ng Diyos sa Katawan ni Cristo for a reason- mayroon tayong maiaambag sa paglago nito. Maaaring ang ating ambag ay “maliit,” behind-the-scenes, o maituturing na menial. Ngunit ang mga ito ay malaking tulong upang ang mga guro ng Biblia ay makabwelo sa pag-aaral at pagtuturo.

Maaaring hindi public ang ministry katulad ng pastor at mga diakono. Pero ang tapat na paggawa ng mga maliliit at pribadong gawain ay nakatutulong upang ang mga publikong ministri ay makausad.

Wala kang maisip na ministri? Ito ang isa- maging masipag sa pag-iimbita ng mga kaibigan, kaklase at kapamilya. It doesn’t take much to say, “Invite kita sa Sunday.” Kung tumanggi sila, choice nila iyon at labas ka na roon. Hindi mo ito dapat tanggapin bilang rejection. They rejected Christ, not you. Hindi mo kailangang maging gifted para mag-imbita. Kailangan mo lang magkaroon ng pag-ibig at pagnamalasakit sa iyong iimbitahan at medyo makapal na mukha for rejection. Sana hindi tayo magkulang sa former pero sa latter, alam kong sagana ang simbahan.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama’t miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama