God answered prayers
May ilaw na sila tatay at nanay!
For some of you this is not a blog-worthy post. What is special sa pagpapakabit ng linya ng kuryente?
But for us who prayed for it for years, this is an answered prayer!
The logistics ng pagkakabit ng kuryente ay napakataas. Aside from the fact na nakatayo ang bahay nila nanay sa pag-aari ng iba (kung hindi pa nabili ang lupa ng iba at na-secure ang permiso baka malabong magkakuryente sila tatay), malayo-layo rin sila sa linya ng kuryente.
Remember, nakatira sila tatay at nanay sa gitna ng kalamansian.
But we never lose hope, never stop praying. And God answers by arranging circumstances to make this possible. Una nalipat ang ownership ng lupa sa iba and the new owner is sympathetic na magkakuryente sila tatay. Secondly, nagkaroon ng extra cash para mabili ang mga gamit. Thirdly, mas lumapit sila tatay sa pinakamalapit na linya.
It takes years but God is working behind the scenes. I am convince of it.
It also means being ready to be the answer your own prayers. It is one thing to pray but totally different matter to actually let God used you to be the answer.
Pwede na sana naming gamitin ang pera sa sarili naming luho. But we decided that the most gracious way to use the money ay pakabitan sila tatay ng kuryente.
It is not an easy decision. I wanted things for myself. I mean binubuo ko ang aking boxing gym. But love means delaying self-gratification upang ibigay sa iyong minamahal.
For years minahal kami ni tatay at nanay. I am happy na nasuklian namin iyon kahit paano.
Left TO ourselves, we'll use it FOR ourselves. But by God's grace, na-overcome namin ang selfishness na iyan upang i-prioritize ang needs nila tatay.
It feels good na makabitan sila ng kuryente. Reciprocating love feels good.
Thank you Lord for giving the extra funds. Please bless us more so we can be channels of blessings to others.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
.jpeg)

Comments
Post a Comment