Free of bitterness

 


Napakaikli ng buhay upang ubusin sa mga negatibong bagay. Forgiveness is a poison that slowly destroys life. 

Mas masaya ang buhay kung ikaw ay walang iniiwasan o tinataguan. 

Ang kapaitan ay sumisira ng mga relasyon. Kahit ang pinakamalapit na relasyon ay kayang sirain ng kapaitan. 

Ang nakalulungkot ay karamihan sa mga bagay na nagpapapait sa buhay ay mga bagay na pwedeng iwasan. Ang kailangan lamang ay pusong mas malaki kaysa sa mga isyu ng buhay.

Mas mataas ang quality ng buhay, mas healthy ang relationships at mas productive ang taong ang puso ay hindi nababalot ng bitterness. Mahirap maging masaya kung kaaway mo o kasamaang-loob ang lahat ng tao. 

Ang forgiveness ay isang gawaing nagpapalaya sa iyo more than sa iyong pinatawad. By forgiving others, hindi ka kontrolado ng ibang tao. Huwag mong hayaang mamuhay nang walang renta ang mga taong iyong kaaway. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama