Celebrating you for you

 


Lagi kong sinasabi sa aking misis, pangarap kong mamatay bago siya. Seryoso isa sa aking mga prayers ay gusto kong unang kunin ni Lord kaysa sa aking misis.

Mahal ko ang aking misis at ayaw kong mawala siya. Umiikot ang aking buhay sa trabaho, bahay at sa simbahan. Napakaliit ng aking human circles at nakasentro ito sa aking asawa. I don’t think I can cope kapag siya ay nauna.

I know may magsasabing resilient tayong mga Pinoy at matatanggap din natin ang lahat. Well, ayaw kong tanggapin.

Hindi ko alam kung paano magsisimula ulit kung ang kasama ko mula sa simula ay wala na sa aking piling.

I am not just being emotionally dramatic. I am being mechanically logical. Ang misis ko lang ang tanging taong nakatiyaga sa aking pag-uugali, 24/7.

If you think I am bad and obnoxious, imagine the virtue of the woman na kasama ko araw at gabi.

I don’t think makasusumpong ako ng babaeng nauunawaan ako sa lahat kong aspeto, quirks and all. I know hindi na popular ang doctrine of right man and right woman, but I truly believe that my wife is the right woman for me and had God not graced me out with this woman, I will probably be miserable.

Mahalaga sa akin ang soul compatibility. My wife is the perfect helpmeet for myself. She is not perfect, far from it. But neither am I and when two imperfect people complement each other, they supply each other’s imperfections.

Hindi mo mapipili ang iyong magulang. Hindi mo mapipili ang iyong anak. Pero pinili ka ng iyong misis. On that basis alone, I value my wife above every other human beings.

May nakakita sa akin ng value na hindi makita ng iba.

Nakita niya ang aking blemishes but she chose to stay.

It is not economic dependence dahil 5 years na nag-abroad ang aking misis. For those 5 years mas mataas pa ang sweldo niya kaysa sa akin.

She chose to stay because she honored our covenant – for richer and for poorer, in sickness and in health, till death do us part. My prayers are that I die first.

I won’t find another woman like her. Lagi kong sinasabi na kapag siya ang nauna, hindi na ako mag-aasawa. I am not being romantic. I just sincerely believe that I cannot form any new romantic relationships.

So love your spouses. They chose you among many alternatives. Hindi mo mapipili ang iyong parents, pero ang partners ay oo. So celebrate those who choose you for being you.

Iiwan ka ng mga sunny weather friends kapag hindi na nila makuha ang kanilang gusto. You are replaceable sa workplace. So huwag mong hayaang ang mga ito ay maging hadlang to develop a deeper relationship with your spouse.

After all, my wife is my rib. Taking good care of her is taking good care of myself.

I cannot call myself a man if I cannot nourish my wife. The wife of my youth.

18 years and counting. May it end with my death.

I am sorry if this blog sounds morbid. But I have been thinking that people come and go sa ating mga buhay. So cherish those who remain. Choose to remain.

I know I am being selfish but I order my life in such a way that if I die prematurely (from human viewpoint, Heb 9:27), she will be taken care of. Because I have no dreams to be the one to stay.

Of course, that might not be God’s plan.

Celebrate the people who choose you for being you. Hindi dahil sa kung anong makukuha nila dahil sa ikaw ay ikaw.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama’t miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama