You're not forgotten


 
[14]But Zion said, "The Lord has forsaken me, And the Lord has forgotten me."
[15]"Can a woman forget her nursing child And have no compassion on the son of her womb? Even these may forget, but I will not forget you.
[16]"Behold, I have inscribed you on the palms of My hands; Your walls are continually before Me.

Maybe we feel alone. Iniisip nating iniwan at kinalimutan na tayo ng lahat. Iniisip nating walang nagpapahalaga sa atin. 

Kahit ang mga unang Israelita ay nag-aakalang kinalimutan na sila ni Yahweh. Ngunit ang tanong ni Yahweh, malilimot ba ng ina ang kaniyang mga anak. Ito ay retorikal na tanong na ang sagot ay hindi. Ngunit alang-alang sa diskusyon, kahit pa mangyari ang imposible (nalimot ng ina ang kaniyang anak), hindi magagawang limutin ng Diyos ang Israel. 

He will always remember.

Noong bata pa ako, dahil ako ay malilimutin, sinusulat ko sa kamay ang utos sa akin sa tindahan. Malimot ko man ang pinabibili, kapag tiningnan ko ang aking kamay, maaalala ko ang bibilhin. Ngayon, nililista ko na sa smartphone. Ang pagsukat sa kamay ay ilustrasyon ng permanenteng pag-alala ng Diyos. God is omniscient so He'll never forget. Kung makalimot man Siya (na never mangyayari) nakasulat pa rin sa Kaniyang kamay. 

He will remember.

Sa Bible, ang pag-alala ay hindi lamang cognitive activity. Ito ay pagpapakita ng aksiyong paborable sa inaalala.

Nang maalala ng Diyos si Noe, Kaniyang pinahupa ang tubig.

Nang maalala ng Diyos ang panata kay Abraham, Isaac at Jacob, niligtas Niya ang Israel sa Exodo.

At ngayon nangako si Isaias na naaalala ng Diyos ang Israel. Ililigtas Niya ang Israel mula sa kaniyang mga kaaway.

And God remains the same then and now. 

Ikaw na anak ng Diyos by faith alone in Christ alone ay permanenteng nakasulat sa Aklat ng Buhay. He'll always remember ang Kaniyang mga anak.

Kahit sa mga panahong akala mo ay nag-iisa ka at nakalimutan, He remembers. 

Makalimutan ka man ng sanlibutan, God remembers. 

Iwan ka man ng lahat, God will be with you forever. 

So why look for someone else? Why look for happiness in the world? 

Abide in God. He'll never leave you alone. He'll never forget you.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama