You can't find happiness in the world

 


When we believe in Jesus Christ, kinuha tayo ng Holy Spirit mula sa sanlibutan at nilagay kay Cristo. Kay Cristo available ang lahat ng biyaya, kasiyahan at kapangyarihang kakailanganin ng Cristiano upang mabuhay nang may kabanalan.

That's why it doesn't make sense na matapos nating lumipat mula sa sanlibutan patungo kay Cristo ay bumabalik tayo sa sanlibutan upang maghanap ng kasiyahan at kahulugan ng buhay. 

Tila tayo mga Israelitang matapos iwan ang Egipto ay bumabalik dito para lamang sa sibuyas

Kung nais natin ng tunay at nagtatagal na kasiyahan, masusumpungan natin ito sa lumalalim at lumalagong relasyon kay Cristo. Hindi mo ito masusumpungan sa sanlibutan.

Anumang kasiyahang inaalok ng sanlibutan is a poor substitute and imitation of what is available in Christ.

It may make you happy for a time but the price you pay isn't worth the effort.

Mas maiging palalimin mo na lamang ang iyong paglago sa biyaya. Hayaan mong baguhin ng biyaya ang iyong pag-iisip, pagpapahalaga at pamumuhay. Ang hantungan nito ay kasiyahang panloob na hindi mababago ng panlabas na sirkumstansiya.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama