We are CHRISTians, not PASTians

 


How I wish masasabi kong ako ay may malinis na nakalipas. There are things I did that I am not proud of.

Thankfully, God forgives and unlike sa ibang tao, hindi Niya inuungkat ang nakalipas upang ipamukha sa atin. Instead, for unbelievers, God made them a new creation upon faith in Christ (2 Corinto 5:17) at para sa mga mananampalataya, sila ay nililinis sa lahat ng kasalanan at kabuktutan kung magkukumpisal (1 Juan 1:9).

We are not our past. Anumang pagkakamaling nagawa natin ay hindi kabuuan ng kung sino tayo. 

We are called CHRISTians because when we believe in Christ, we are placed in Him. When God looks at us, the only thing He can see is our union with Christ. Since Christ is perfect, He saw us positionally perfect. 

We are not called PASTians because when we believe we become new creation. We are not the past. We are not the old. We are new spiritual species. 

Maaaring ungkatin at isumbat ng tao sa atin ang ating nakalipas pero sa Diyos iyan ay tubig na dumaloy na sa tulay. Kung paanong hindi mo maibabalik ang tubig kapag dumaan na, ganuon din there is no point in returning in the past.

We remember the past. We don't live in it. Wag nating hayaang kulayan ng ating nakalipas ang ating kasaluyan at magdetermina ng ating hinaharap. 

Instead hayaang nating ang ating pakikipagkaisa kay Cristo ang magdetermina ng ating kasaluyan at hinaharap. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.





(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama