The Rock and the bottom
One of the worst dreams, a nightmare really, ay ang mahulog forever sa isang bottomless pit. Kung hindi ito sapat upang mag-trigger ng anxiety at magising ka, I don't know what will. The only worse I can think of is kung ang panaginip ay may involved na tubig. For sure naihi ka sa higaan.
Kidding aside, one of the worst feelings is when you feel like hitting rock bottom and no one is around to pick you up.
Iniwan ka ng lahat at walang sumalo upang umalalay.
Instead na tulungan kang bumangon, well-meaning friends give advices that metaphorically is stomping on your head. Yung down na down ka na, inapakan ka pa.
I don't know but when I am down, I don't need unsolicited advice. I need assurance na dadamayan mo ako no matte what.
While this hurts a lot (ma-realize na yung mga friends mo ay friends lang kapag sunny weather o kung may makukuha sa iyong kapakinabangan), there is a lesson to learn also.
Maybe God allows you to hit rock bottom to let you know that He is the Rock at the bottom.
That is, talikuran ka man ng lahat, nandiyan pa rin Siya, umaalalay at dumaramay.
Tinuturuan tayong bumitaw sa mga idolatriya ng ating mga puso. Anumang pinanghahawakan natin (pera, talino, posisyun sa lipunan, atbp) ay na-exposed sa huli as nothing more than a crutch that pierces the hands that lean on them.
How liberating na malaman kung sino ang tunay na kaibigan sa oras ng pangangailangan at kung sino ang lumalapit lamang kapag may sadya o pakay.
Malalaman mo ang tunay na kaibigan at ang kaibigan na mas malapit pa sa kapatid.
At sa likod ng lahat ng mga kaibigang ito ay ang Kaibigang dadamayan ka sa anumang pangyayari.
So it is not always bad. Even at the bottomest (is that even a word?) of the bottoms, He is there.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)


Comments
Post a Comment