Thank you for lighting the way

 


I remember ng nagsisimula pa lang kaming mag-asawa. Napakahirap ng buhay. Ang isang talong ay ulam namin sa dalawang kainan. That is not even a joke. Yung kalahati ay ginagawang ensaladang talong. Ang kalahati ay hambura (eggplant and onion soup). 

Kapag umuuwi ako noon mula sa Amoguis, dala ko lahat. Kamoteng-kahoy: laman, dahon pati katawan (upang itanim dahil nakakahiyang laging manghingi kina biyenan). Niyog: niyog, bunot, sanga, tingting. Napakahirap talaga ng buhay.

Wala kahit isa sa mga dati kong churchmate ang nakaalalang bumisita upang mag-abot ng ayuda o abuloy. Wala kahit encouragement man lang. This is not to shame them dahil matagal na iyon. Some of them ay members ng local church na tinuturuan ko ngayon. It is water under the bridge. 

Binanggit ko lang ang mga ito upang bigyang pugay ang mga taong hindi kami tinalikuran noong panahong iyon. 

Isa na roon si Tita Eden. Nagpapadala siya ng perang pantustos kahit siya mismo ay nangangailangan din at may pinagdaraanan din. Ang mga unang gamit ni Naomi ay mula sa kaniya. 

Andiyan din ang aking kapatid na si Eboy. Diyahe nga dahil madalas kaming magsuntukan pero sa gitna ng pangangailangan, kahit hirap din siya sa kaniyang pangangailangan, nagpadala siya ng suporta. Doble diyahe dahil mas bunso siya sa akin. 

Andiyan siyempre ang aking mga biyenan. Sila lang mula sa dati naming simbahan ang lumingap sa amin. Kung napapansin ninyo, mataas ang aking pagmamahal at paggalang sa aking biyenan. Why not, sila ang nagsigurong hindi kami madarapa kahit nasa dilim kami ng buhay. 

Noon at ngayon, wala akong masabi sa aking mga biyenan. Sila ay modelo at tropeo ng biyaya. Sila ang aking mga spiritual heroes. 

Mayroon pang iba na hindi ko na mababanggit. Alam ninyo kung sino kayo. 

Ang mga taong ito ang aking sirkulo. Hindi sila lahat ay kapatid ko sa pananampalataya. Pero pinangako kong darating ang panahon makakabawi rin ako sa kanila. Hindi ko sila lilimutin ang kanilang ilaw noong panahong kailangang kailangan ko sila. 

Salamat sa inyo. Kung wala kayo, marahil nangangapa pa rin kami. I mean, kahit ngayon, saktuhan lang ang buhay, minsan kulang pa, pero lalo na siguro kung hindi ninyo kami inalalayan. 

Mula sa aming puso, ang Team Nieto ay nagpapasalamat nang lubos. 

Thank you for lighting the way.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama