Tell your story

 


Everytime na may nagpe-friend request sa akin sa FB, naghihintay ako ng 7 days bago mag-accept (exceptions ang students, coworkers at family). Gusto kong bigyan sila ng time upang mag-isip kung worth it maging FB friend. Regular at madalas akong mag-share ng Biblical information sa aking page and unless i-unfollow niya ako, siguradong babahain ang kaniyang wall ng impormasyon tungkol sa FG salvation, Bible doctrine, conservatism at family and marriage.

Everytime may mag-friend request, babahain siya ng impormasyon tungkol kay Jesus.

Binabayaran ba ako para gawin ito? Hindi. Ito ang aking paraan bilang digital missionary na abutin ang mga friends sa social media ng Salita ng Diyos.

I don’t know kung ilan sa aking FB friends ang binabasa ang aking posts at shared posts. It doesn’t matter. The information is out there at wala silang masasabing hindi nila narinig ang biyaya ng Diyos.

Hindi ako nagsasawang mag-share ng aking kwento (at kwento ng iba) dahil maaaring ang kwentong ito ang makapagbukas ng puso ng mambabasa sa biyaya ng Diyos.

Sinong nakapagsasabing may isang hiwalay sa asawang nakababasa ng aking posts at nakatatanggap ng comfort mula sa mga posts na ito? O isang naghihimagsik na kabataang nagkakaroon ng kalinawan ng isip kapag nababasa niya ang kahalagahan ng parental obedience, chastity at Biblical manhood (and womanhood)? O nagsisiyasat sa kaligtasan at nakasumpong sa mga posts na aking binahagi?

Even if walang nagbabasa ng aking posts, gusto kong bahain ang FB ng Biblikal na materyal. This provides visibility kapag nagsearch ng latest trend. Simply providing information online affects what appears to people’s browsers.

Example, may nagsearch ng eternal life. Maybe yung posts o shared posts ko na maraming likes ang irecommend sa kaniya. Indirectly, nakatulong ako sa kaniyang pagsisiyasat.

Kaya huwag tayong mapagod magkwento. Maaaring ang kwento mo ang inspirasyon ng iba.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama’t miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama