Stronger tea, stronger faith
I will admit to be partial to coffee. Mas gusto ko ang kape kaysa tsaa.
But you must admit it is a powerful illustration. If you want a strong tea, let it sit longer in the cup.
Similarly, kung gusto natin ng mas malakas na pananampalataya, sit longer in God's Word. The more you expose yourself to God's Word, the more it strengthens your soul.
Mayroon tayong 24 oras sa isang araw. Ilan sa mga ito ang iyong ginugugol sa pag-aaral ng Salita ng Diyos.
Nakalulungkot na kaya nating mag-ubos ng oras sa napakaraming bagay maliban sa mga bagay na may eternal value. May oras tayo sa bisyo, sa hobby, sa barkada at kahit sa extra hustle, pero hindi tayo makapagbigay kahit ilang minuto upang buksan ang ating mga Biblia. Pinapakita lamang nito ang mababang pagpapahalaga sa Salita ng Diyos.
Kung gusto nating lumalim ang ating relasyon sa Diyos, kailangan nating maggugol ng oras upang palalimin ito.
Kung mayroon kang nobya, nais mong lagi siyang kasama, lagi siyang kausap- nais mong maunawaan kung paano siya mag-isip, kung ano ang kaniyang pagpapahalaga, at in general, what makes her tick.
Ganun din spiritually. Kung gusto nating lumalim ang ating pananampalataya kailangan nating alamin ang isipan at pagpapahalaga ng Diyos. Magagawa natin ito sa pamamagitan ng paggugol ng oras sa pag-aaral ng Salita ng Diyos.
It will be the best 15 minutes of your time, assuming magsimula ka kahit 15 minutes muna.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)


Comments
Post a Comment